• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panuntunan sa paggunita ng Undas, inilabas ng Navotas

NAGPALABAS ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan para maging ligtas ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa lungsod ngayong taon.

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022.

 

 

Aniya, upang maging maayos ang paggunita ng Undas, dapat sundin ang mga inilabas na patakaran ng pamahalaang lungsod kung saan ang mga bibisita sa sementeyo ay kailangan kumuha ng cemetery pass sa pamamagitan ng TEXT JRT 09088868578 at 09152601385. I-text ang pangalan, address, edad, petsa at araw kung saang sementeryo bibisita (public, catholic, immaculate garden).

 

 

Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang ng tatlong tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at vaccination ID sa mga nakabantay sa sementeryo

 

 

May walong time slot ang pagbisita, 7am-9am, 9am-11am, 11am-1pm, 1pm-3pm, 3pm-5pm,5pm-7pm, 7pm-9pm at 9pm-11pm.

 

 

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak, matutulis na bagay, pagsusugal at maingay na musika at panatiliin ang tamang pagsuot ng face mask at physical distancing nang sa ganoon ay hindi na tumaas at patuloy na bumaba ang kaso ng Covid-19 sa lungsod.

 

 

Pinaalalahanan naman ni Mayor Tiangco ang mga magpupunta sa sementeryo na huwag nang magsama ng mga bata at matatanda para matiyak ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

 

https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2022/10/NAVOTAS-2.jpg

“Gawing tahimik at matiwasay ang paggunita sa araw ng mga patay at igalang ang mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng panalangin”, ani Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto

    Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.     Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro.     Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]

  • Susunod na Chief PNP kapalit ni Gen Archie Gamboa, iaanunsiyo isang linggo bago ang pagreretiro nito

    NAKATAKDANG i-anunsyo ng Malakanyang isang linggo bago ang araw ng pagreretiro ni PNP Chief Director General Archie Gamboa kung sino ang susunod na kapalit nito. Si Gamboa ay nakatakdang magretiro sa Setyembre 2 kasunod ng pagsapit ng ika- 56 na taong kaarawan nito na siyang retirement age sa mga nasa police at military service. Ayon […]

  • American na sex offender, inaresto sa Dumaguete

    INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na American national sa kanilang bansa dahil sa ilang bilang ng sexual offenses. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Christopher John Erickson, 49 ay inaresto sa Dumaguete City, Negros Oriental ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU). Dagdag ni FSU Head Bobby Raquepo […]