• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Risk allowance ng 20K health workers mababayaran na

Nangako si Health Secretary Francisco Duque III na mababayaran na ang P311 Special Risk Allowance ng 20,000 pang healthcare workers.

 

 

Sa kanyang pag­harap sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Duque na natukoy na ang nasabing mga healthcare workers at maibibigay na ang SRA ng mga ito ngayong araw.

 

 

Una nang nagbanta ang grupo ng mga healthcare workers na magsasagawa ng mass resignation kapag hindi nabayaran ang kanilang mga SRA at iba pang mga allowance sa gitna na rin ng sakripisyo sa pagsabak sa COVID-19.

 

 

Bunsod nito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque at ang Department of Budget and Management (DBM) na bayaran ang SRA at iba pang mga allowance ng medical frontliners sa loob ng 10 araw.

 

 

Samantala, aabot sa P7M ang utang ng PhilHealth sa bawat miyembro ng Philippine Hospital Association o kabuuang P86 bilyon sa mga hindi nabayarang claims partikular na sa COVID patients.

 

 

Sinabi ni PHA President Dr. Jaime Almora na ang P86 bilyon ay ang kabuuang halaga na ginastos ng mga ospital sa kanilang pasyente pero walang reimbursement sa PhilHealth.

 

 

Ayon kay Almora, nasa P13.6 bilyon ang denied claims, nasa P13 bilyon hanggang P16 bilyon ang in-process claims, at P46 bilyon ang Return to Hospital (RTH) claims.  (Daris Jose)

Other News
  • Pagkamatay ni ex-BuCor deputy officer Ricardo Zulueta, walang foul play – PNP

    Walang umanong foul play sa biglaang pagkasawi ni dating Bureau of Corrections deputy officer Ricardo Zulueta ayon sa Philippine National Police. Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Fajardo sa gitna ng pagdududa ng ilan sa naging pagkamatay ni Zulueta na kapwa akusado ni dating BuCor director Gerald Bantag sa kasong pamamaslang […]

  • PH Sports Hall of Fame

    INANUNSIYO ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 Committee na pinangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sa Marso na ang nominasyon para sa iluluklok sa Sports Hall of Fame.   “This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” ani Ramirez habang sinasalubong ang […]

  • Bading natagpuang tadtad ng saksak

    DAHIL sa mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang 44-anyos na bading na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief Col. Angela Rejano, ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang […]