Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng 826 Interior Naval St. Brgy. Sipac-Almacen ay dahil sa ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation ng mga tauhan ng Warrant Section.
Sinabi pa ni Col. Balasabas na ang naarestong suspek ay matagal ng wanted mula ng 2015 matapos ang ginawang sexually abused sa kanyang 16-anyos na pamangking babae.
Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Carlos M. Flores ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73, para sa kasong paglabag sa Sec 5 (b) ng R.A. 7610 o Child Abuse.
Kasalukuyang nakapiit ngayon si Belista sa Navotas City Police Station habang hinihintay ang commitment order na i-isyu ng Malabon RTC. (Richard Mesa)
-
Requests, proposals ng Estados Unidos ukol sa EDCA, kasalukuyang sinusuring mabuti-PBBM
NIREREPASO ngayong mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty, isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anumang […]
-
Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO
MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan. Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan. Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga […]
-
Pagtiyak ni PBBM kay Xi: Pinas, walang ‘Cold War mindset’
BINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inilarawan nitong “Cold War mindset” sa pagtugon sa tensyon sa pinagtatalunang South China Sea. Isang sentimyento na ibinahagi ng Pangulo kay Chinese President Xi Jinping na nagsabi na ang Asia-Pacific region ay hindi dapat maging “an arena for a big power contest.” Tiniyak ni […]