• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gawilan bigo sa medalya

Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya.

 

 

Pumuwesto si Gawilan sa ikaanim sa heat 2 ng men’s 100-meter backstroke S7 sa inilista niyang 1:21.60 at minalas na makapasok sa finals kahapon sa Tokyo Aquatics Center.

 

 

Bigo rin siyang makaabante sa finals ng men’s 200-meter individual medley habang nakalangoy siya sa finals ng men’s 400-meter freestyle at tumapos sa sa ikaanim

 

 

“Medyo nahirapan si Ernie sa 400-meter freestyle yesterday (Linggo). He was three seconds off his personal best in the backstroke,” sabi ni swimming coach Tony Ong sa tubong Davao City.

 

 

Minalas ding makaabante sa finals si Gary Bejino nang pumang-pito sa heat 1 sa kanyang itinalang 36.14 segundo at ika-14 sa kabuuang 16 swimmers sa men’s 50m butterfly S6 classification.

 

 

“I believe that Gary’s time of 36.14 seconds is his personal best if I am not mistaken,” ani Ong. “Nagbago kami ng stroke because of the new rule in the butterfly event.

 

 

Lalangoy pa siya sa men’s 400m freestyle S6 sa Huwebes at sa men’s 100m backstroke S6 sa Biyernes.

Other News
  • Japan, nagbigay ng $4.2-M

    NAGPALITAN ng diplomatic notes ang Japan at ang International Organization for Migration (IOM) para sa USD4.2 million (P215.9 million) project na makapagbibigay ng “shelter kits, health clinic support, at medical equipment” sa mga lalawigan at ilang bahagi ng Pilipinas na labis na sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon.     “Japan, in light of […]

  • Time out muna sa pagtulong kay Dingdong: BENJIE, magtuturo sa aspiring basketball players sa Cebu

    TIYAK na mapapa-‘shoot that ball’ ang mga Cebuano young hoopers sa pagdayo ni Benjie Paras sa Lapu-Lapu City ngayong araw, August 5 para sa ‘GMA Masterclass: The Sports Series.’     Time out nga muna si Otep (Benjie) sa pagtulong kay Napoy (Dingdong Dantes) resolbahin ang pagkamatay ni Don Gustavo (Tirso Cruz III) sa ‘Royal […]

  • Aces, Bolts, Hotshots, NLEX magsisibalikwas

    BABAWI sa unang mga pagsemplang ang apat na koponan sa pang-apat na araw ngayon ng 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 elimination round bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.   Magbabanatan sa tampok na giyera sa alas-6:45 nang gabi ang Magnolia Chicken Hotshots (0-1) at North […]