NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
Isinailalim sa COVID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.
“All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern had been detected across all areas in the National Capital Region,” pagkumpirma kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ayon kay Vergeire, ang NCR ay nakapagtala rin ng positive 2-week growth rate, high-risk average daily attack rate (ADAR) at high-risk case classification.
“The regional health systems capacity is at high-risk with ICU utilization at 74 percent,” dagdag pa niya.
Ang Quezon City ay nakapagtala ng aktibong kaso na 7,800 kasunod ang Maynila, 5,005; Caloocan City, 3,826; Pasig City, 3,561 at Makati City, 3,529.
Sa Maynila, bagama’t mataas din ang naitalang mga bagong kaso, ay itinaas lamang ito sa Alert Level 3, dahil ang bed utilization rate nito ay nasa 65.47% lamang at ang ICU utilization rate ay nasa 61.75%.
Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay itinataas sa isang lugar kung umabot na sa 70% pataas ang hospital bed capacity at nasa ilalim ng moderate hanggang critical risk. Ang Alert Level 3 ay nasa moderate hanggang critical risk at hindi pa umaabot sa mahigit 70% ang ICU utilization rate.
-
Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika
Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA. Magsasanay din sa nasabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, featherweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky […]
-
Pagunsan all-set na sa 2nd day ng torneo sa Tokyo Olympics
Nakahanda ng sumabak sa ikalawang round ng men’s individual golf sa Tokyo Olympics ang pambato ng bansa na si Juvic Pagunsan. Nasa pang-limang puwesto kasi ito sa unang round ng torneo na ginanap sa Kasumigaseki Country Club. Sa unang round ay naantala ng isang oras ang laro dahil sa naranasang pagkidlat. […]
-
Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities
Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities. Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon. “My role […]