• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELOT TIMBOG SA SHABU NA PINALAMAN SA PANDE COCO

BALIK-kulungan ang isang lalaki na dadalaw lang sa kanyang dating kapwa mga inmates matapos makuhanan ng shabu na ipinalaman sa tinapay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Francisco Paquiado, 23 ng 1346 DM Cmpd. Heros Del 96, Brgy, 73 na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Rafael Tuballes, habang naka-duty sina PCpl Sarjhun Bello at PSSg Erikcson Lising sa West Grace Park Police Sub-Station (SS3) dakong alas-9:20 ng gabi nang dumating ang suspek para bumisita at magdala ng pagkain sa kanyang dating kapwa mga inmates.

 

 

Bilang parte ng standard operation procedure at existing policies, kinapkapan ni PCpl Bello ang suspek saka sinuri ang dala nitong pagkain at napansin ng pulis ang isa sa mga tinapay (pande coco) ay kahina-hinala dahil sa maliit na butas.

 

 

Nang tignan sa harap ng suspek at iba pang naka-duty na mga pulis, nakuha sa loob ng tinapay ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P816 ang halaga na naging dahilan upang arestuhin si Paquiado.

 

 

Ayon kay Col. Mina, dating nakulong ang suspek sa SS3 mula June 20, 2021 hanggang September 2, 2021 dahil sa paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz). (Richard Mesa)

Other News
  • Maraming nagulat sa kanyang inirampa: Natcos ni MICHELLE sa Miss U, tribute sa Philippine tourism at pagiging Air Force reservist

    “DESTINATION Filipinas” and “Love the Philippines” ang inspiration sa likod ng national costume ni Michelle Marquez Dee. Made in Nueva Vizcaya ang natcos ni Michelle na gawa ng designer na si Michael Barassi. According to Barassi, the costume, which resembles a plane, is a tribute to Philippine tourism and Dee being an Air Force reservist. […]

  • Pre-Christmas tradition ng Santo Papa, kinansela dahil sa banta ng COVID-19

    Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang taunang tradisyon na pre-Christmas rite sa darating na Disyembre 8 dahil sa COVID-19 restriction.   Ayon sa Vatican, na hindi muna isasagawa ng Santo Papa ang wreath laying ng bulaklak sa base ng 12-meter column katabi ang statue ni Madonna.   Nagdesisyon ang Vatican na hindi na isagawa ni […]

  • Espiritu aminadong umaalingasaw trade

    INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.   Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]