• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fil-Canadian tennis player Leylah Fernandez pasok na sa semis ng US Open

Pasok na sa semifinals ng US Open si Filipina-Canadian Leylah Fernandez.

 

 

Ito ay matapos na talunin si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine sa score 6-3, 3-6, 7-6 (5).

 

 

Magugunitang tinalo ni Fernandez sa mga unang round ng torneo ang top seed players gaya nina Naomi Osaka at Angelique Kerber.

 

 

Susunod na makakaharap ng 19-anyos na si Fernandez ang sinumang manalo sa pagitan nina Aryna Sabalenka ng Belarus at Barbora Krejcikova ng Czech Republic.

 

 

Ang 19-anyos na si Fernandez ay representative ng Canada na ang ama na kaniya amang si Jorge na dating Ecuadorian professional soccer player ay kaniya ring coach habang ang ina nito na si Irene ay isang Filipino Canadian.

 

 

Si Leylah ay siyang pangalawa sa tatlong magkakapatid na babae.

Other News
  • 25k katao na pinaghihinalaang may Covid-19, matagumpay na na-isolate ng gobyerno

    MATAGUMPAY na na-isolate ng pamahalaan ang mahigit sa 25,000 katao na pinaghihinalaang mayroong COVID-19.   Layon nito na mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit.   Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the country’s national plan against COVID-19, na may kabuuang 25,430 […]

  • PBBM, nagbigay ng regalo, tulong sa mga vulnerable Pinoy bilang maagang Pamasko

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng regalo at tulong sa mga bata, pamilya at indigenous peoples sa Rizal Park, Manila bilang maagang pamasko.     “Sa ating mga beneficiary, Merry Christmas! Alam ninyo po, lagi kong sinasabi paulit-ulit, eh kako ‘yung Pasko, parang ‘yung Pilipino akala natin tayo nag-imbento ng Pasko eh, kung magcelebrate […]

  • Motorista, pinaiiwas ng Quezon City LGU sa ruta ng MMFF Parade of Stars

    PINAYUHAN   ng Quezon City Government ang lahat ng motorista na iwasan ang ruta na pagdarausan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars 2022 sa Miyerkules, Disyembre 21, 2022.     Nabatid na magsisimula ang parada ganap na alas-4 ng hapon.     Ang ruta nito ay Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon […]