• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

350 sailors, marines nakiisa sa ‘ war fighting exercise’

Nasa 350 Philippine Navy sailors at marines ang nakiisa sa war fighting exercise na kanilang tinawag na Exercise Pagbubuklod 2021 na isinagawa sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.

 

 

Sa nasabing Joint Amphibious Operation on land and at sea nagpakitang gilas ang ilang mga bagong assets ng Philippine Navy at Marines.

 

 

Layon ng nasabing ehersisyo ay para mapalakas pa ang interoperability ng mga sundalong navy at marines sa pagtugon sa anumang mga banta na kahaharapin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng bansa lalo na ang tinatawag nilang traditional at non-traditional threats.

 

 

Ayon kay Exercise Pagbubuklod 2021, director, Lt.Commander Ariel Constantino, nais nila na maging handa ang kanilang unit sa pagtugon sa mga banta lalo na sa terorismo at national security.

 

 

Highlight sa nasabing joint exercise ay ang isinagawang amphibious assault/raid, insertion/extraction, amphibious sealift, tactical sealift, force protection capability, support and sustainment, afloat command and control, Maritime Search and Rescue, shipboard helicopter operations (HELOPS), at casualty evacuation operation (CASEVAC).

 

 

“Dito po mate-test ang ating interoperability concept yung pagsasama, pagbubuklod ng mga fleet marine units combined ng sailors, dito po rin natin maba-validate yung ating tinatawag na doctrines ng bawat unit ng Philippine Navy. Ang isang purpose dito po nakita makita dito natin maa-adress yung traditional and non-traditional threats,” pahayag ni Lcdr. Constantino.

 

 

Lumahok din ang bagong warship o frigate ng navy ang BRP Jose Rizal partikular sa isinawagang Gunnery exercise, Maritime Interdiction Operation, Surface Action Group gaya ng Air Defense exercise, over the horizon targeting and search and attack Unit operations.

 

 

Sinabi ni Constantino malaking tulong sa kanilang kahandaan ang isinagawang joint exercise para mapataas ang kanilang performance para tuparin ang kanilang mandato.

 

 

Ang mga units,air, surface assets o barko na lumahok sa Exercise Pagbubuklod 2021 ay ang mga sumusunod:

Surface Assets:

·       BRP Jose Rizal (FF150)
·       BRP Bagobo (LC293)
·       BRP Manobo (LC297)
·       BB492, BA493 and BA494

 

PN Air Assets:

·       BN Islander
·       1-AW109

 

NAVSOCOM:

·       1-VBSS Team
·       1-Sniper Team
·       1-EOD Team
·       1-OTB Team

 

PMC:

·       1-MBLT Coy/Pltn, FRC

Other News
  • Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

    Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.     Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]

  • G7 Nation, magpapataw rin ng mga bagong economic sanctions sa Russia

    NAGKAISA  rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.     Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito.     Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbawal […]

  • DOH, todo paalala sa mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo para iwas panganib at sakit sa puso

    TODO paalala ang Department of Health (DOH) sa mga naninigarilyo na huminto na o huwag subukang manigarilyo para sa mga non-smoker upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso.       Ayon kay Dr. Maria Rosario Sylvia Uy ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, ang paninigarilyo ay nauugnay sa mataas […]