• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, inatasan si SolGen Calida na magsumite na ng request letter sa COA para i-audit ang PRC

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Solicitor General Jose Calida na kaagad na maghain ng request letter sa Commission on Audit (COA) para agad na masimulan ang pagbulatlat sa financial records ng Philippine Red Cross (PRC).

 

“The next step would really be the letter to be delivered to the COA by Solicitor General Calida regarding my request to audit the Red Cross,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes.

 

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ang pondong ibinayad ng pamahalaan sa PRC para sa pagsasagawa ng COVID-19 tests ay “subject” sa COA audit.

 

Sinang-ayunan naman ni COA chair Aguinaldo ang naging pahayag na ito ng Pangulo.

 

Sa pamamagitan ng isang video clip, sinabi rin ni Aguinaldo na kailanman ay walang sinabi ang COA na nagkaroon ng overpricing at ghost deliveries sa medical supplies na syang ipinagpipilitan ng mga senador partikular na ni Philippine Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon.

 

Sa kabilang banda, sinabi ng Pangulo na masaya na rin siya sa isinasagawa ngayong pagdinig ng Kongreso para mailabas ang buong katotohanan.

 

Naniniwala naman ang Chief executive, in aid of legislation at hindi in aid of election ang gumugulong ngayon na imbestigasyon sa kongreso.

 

Samantala, tinawag ni Pangulong Duterte na pathological storyteller si Gordon dahil wala itong ginawa kundi dumaldal ng dumaldal sa senate inquiry dahilan kayat hindi na nakakapagsalita at nakakapagpaliwanag ng maayos ang mga inimbitahan nitong resource persons.

 

“Susmaryosep Gordon hindi mo ako matakot not in a million years. Hindi ako kawatan kagaya mo. Wala akong Red Cross na ginagatasan araw-araw. It’s not my style,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque

    HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China.   Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa.   Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang […]

  • Nagpapasalamat sa reunion project nila: DERRICK, ‘di na mag-a-adjust dahil si ELLE uli ang ka-partner

    NAGPAPASALAMAT ang real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio dahil sa kanilang reunion project na revenge-drama series na ‘Makiling.’     Nabuo ang loveteam nila sa 2022 GMA teleserye na ‘Return To Paradise’ na naging top-rater sa hapon.     “Masaya kasi siyempre siya ulit ang ka-partner ko, hindi na ako mag-a-adjust ulit […]

  • 2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na

    Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipinas  at ng Astrazeneca ng United Kingdom ang isang tripartite agreement para sa gagawing pagbili ng bakuna ng Covid-19.   Sinabi ni Vaccine Czar At NTF chief  implementer Carlito Galvez,  resulta ito ng naging magandang pakikipag-usap ng pamahalaan sa biopharmaceutical company na Astrazeneca.   Sa tripartite agreement, sigurado na ang […]