• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PIOLO, todo-todo ang pasasalamat sa ABS-CBN matapos na mag-renew ng kontrata; never na

TODO-TODO ang pasasalamat ni Piolo Pascual sa ABS-CBN matapos na siya ay mag-renew ng kontrata sa network.

 

 

Matagal din naman naging Kapamilya ang award-winning actor at karamihan sa mga magagandang shows at movies niya ay under ABS-CBN at Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN.

 

 

Pero bakit hindi man ang nabanggit na once upon a time, noong siya ay teenager pa lamang, ay naging Kapuso talent din siya.

 

 

He was a former mainstay of That’s Entertainment at PJ Pascual pa ang name niya that time.

 

 

Pero hindi siya masyadong sumikat that time until he went to the States. Pagbalik niya ay Piolo Pascual na siya at sa ABS-CBN na naging contract star.

 

 

Nevertheless, he remains one of the most popular and competent actors of his generation.

 

 

***

 

 

SABI ng baguhang si Christine Bermas, willing siyang gawin kahit na ano sa launching film niya na Moonlight Butterfly to be produced by 3:16 Entertainment Productions.

 

 

Excited pero kabado ang dalaga na tubong Puerto Princesa, Palawan pero sa Maynila na lumaki. Lagi raw niyang binabasa ang script para ma-imbibe niya ang role bilang isang GRO na na-involve sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig.

 

 

Hindi pa raw sinasabi ni Christine sa parents niya na daring ang kanyang role sa Moonlight Butterfly pero may tiwala naman siya kay Direk Joel Lamangan, na alam niyang hindi siya pababayaan.

 

 

Alam ni Christine na challenging ang kanyang role pero naniniwala siya na sa tulong ng kanyang mahusay na director ay magagampanan niya ang role niya nang mahusay.

 

 

Tatlo ang leading men ni Christine sa movie sina Albie Casino, Kit Thompson at Ivan Carapiet.

 

 

Nakatrabaho na raw ni Direk Joel si Christine at bilib siya sa husay nito kahit na ito’y baguhan pa lang.

 

 

Kaya naniniwala si Direk Joel na kaya ni Christine ang role niya sa Moonlight Butterfly.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Presyo ng mga prime commodities at basic goods, pasok pa rin sa SRP – DTI

    NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na pasok pa rin sa May 11 suggested retail price (SRP) ang presyo ng prime commodities at basic goods na ibinibenta sa mga supermarkets at grocery stores.     Kung kaya’t hinihikayat ng DTI ang mga consumers na bumili sa mga supermarkets kung saan regulated ng ahensiya […]

  • VP Leni, bakunado na laban sa Covid-19

    NABAKUNAHAN na noong Miyerkules si Vice President Leni Robredo gamit ang AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City.   Ito ang first dose ni VP Leni laban sa Covid -19.   Sa isang kalatas, sinabi ni VP Leni na natanggap niya ang kanyang unang bakuna kasama ang mga miyembro ng kanyang staff lalo pa’t lahat sila […]

  • Malakanyang, walang kamay sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Leonen

    WALANG kinalaman ang Malakanyang sa naging hakbang na  sampahan ng impeachment complaint si Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil umano sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.   Ito ay dahil sa bigo di umani si Leonen na makapaghain ng kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) sa loob […]