• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magbibitiw sa puwesto dahil nagsasawa ng labanan at tuldukan ang korapsyon sa burukrasya

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpahayag siya na gusto na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagkadismaya at pagkabigo dahil sa hirap na maalis ang korapsyon sa gobyerno.

 

Sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na nakararanas siya ng matinding hirap para labanan ang korapsyon sa burukrasya. Aniya, walang katapusan ang korapsyon.

 

“Ewan ko kung sabihin ko ito sa inyo — I offered to resign as President. Pinatawag ko ‘yung lahat ng… Sabi ko na I have — kasi nagsasawa na ako ,” ayon sa Pangulo.

 

“Talagang wala ng katapusan itong corruption. Mahirap talaga pigilin,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinukoy ng Chief Executive ang nagaganap na di umano’y “pastillas” bribery sa Bureau of Immigration sa kabila ng nagpapatuloy na imbestigasyon dito.

 

“Maski ‘yang mga pastillas, hanggang ngayon. Even with the investigation or the clamor for government to be — I said to shake the tree, wala. Sige hanggang ngayon, it’s being committed everyday,” anito.

 

Si Duterte, isang dating Davao City mayor at prosecutor, ay nagpahayag at umamin na napakahirap tuldukan ang korapsyon sa pamahalaan.

 

“Now, can you stop it? You cannot. There is no way,” ayon sa Pangulo, inalala niya ang kanyang naging karanasan sa paglilitis sa corruption cases.

 

Giit nito, ang land registration office ang notorious para sa di umano’y corrupt practices.

 

“You are really notorious even in the provinces of — sometimes the employees run to that mill of the grid of bureaucracy.

 

Mag-imbento ng mga peke na dokumento. Marami diyan. I prosecuted about seven itong p***** i**** Land Registration,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Taong 2018 nang magsabi na rin ang Pangulo na nais niyang bumaba sa puwesto.

 

Inamin nito na pagod na siya sa paglaban sa korapsyon sa pamahalaan.

 

Duda na aniya siya kung maaalis pa niya ang “endemic corruption” sa burukrasya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM

    Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard.   Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano.   Sa kalagitnaan ng isyu sa […]

  • Barangay employees, kasali na sa ‘Pambansang Pabahay’

    PASOK  na rin ang mga empleyado ng barangay sa mga benepisyaryo ng programang pabahay ng pamahalaan. Batay ito sa probisyon ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan kamakailan nina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Interior Secretary Benhur Abalos. Base sa kasunduan, magtatayo ng housing units para sa mga mahihirap […]

  • Standhardinger paaastigin si Holmqvist sa Gin Kings

    KARAMIHAN marahil sa mga kumakarir sa basketbol, gustong mapunta sa Barangay Ginebra San Miguel kapag nag-propesyonal na o mag-Philippine Basketball Association (PBA).     Isa na riyan si Ken Holmqvist.     Mas mapalad nga lang ang 26 na taong gulang na Filipino-Norwegian sa ibang kapwa basketbolista dahil napagbigyan ang kanyang inaasam.     Sa […]