• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nangangailangan ng P49-B para sa buwanang allowance ng mga health workers

Umaapela ang Department of Health (DOH) sa Kongreso na mabigyan sila ng P49 billion budget para sa buwanang allowance ng lahat ng mga at-risk na health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa plenary debates hinggil sa proposed 2022 budget ng DOH, sinabi ni Cebu 5ht District Rep. Vince Frasco na ang pondong hinihingi ng DOH ay sapat para sa 526,727 health workers.

 

 

Sa ilalim ng proposed scheme ng DOH, ang mga high-risk health workers, o iyong mga may direct contact sa mga COVID-19 patients, ay makakatanggap ng P9,000 allowance.

 

 

Ang mga medium-risk workers ay makakatanggap ng P6,000, at P3,000 para naman sa mga low-risk workers.

 

 

Sinabi ni Frasco na sakop sa allowance na ito ang mga janitors sa mga ospital na exposed sa hospital wastes.

 

 

Sa ngayon, nasa 79,962 ang low-risk health workers, 47,173 ang medium-risk workers, at 399,592 naman ang high-risk.

Other News
  • Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong

    Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip […]

  • GLAIZA, magko-concentrate sa dalawang international films dahil tapos na ang lock-in taping ng ‘Nagbabagang Luha’

    MUNTIK na palang mahimatay si Glaiza de Castro sa isang matinding eksena sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha.     Kinuwento ng aktres na dahil naapektuhan siya sa kinukunang mabigat na eksena, bigla raw siyang hindi makahinga nang maayos.     “May isang eksena na hindi talaga ako makahinga. As in naninikip ‘yung […]

  • Pang-5 BLOODLETTING drive, isinagawa-DBM

    ISINAGAWA araw ng Biyernes, Disyembre 6 ang Dugtong Buhay Movement, isang ang bloodletting activity para makatulong na i- promote ang public health.     Ang nasabing bloodletting drive ay pangungunahan ng Department of Budget and Management (DBM), na sinasabing pang-lima ng aktibidad.   Gagawin ang bloodletting activity sa Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila, […]