• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong

Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip ay nagpakita ng expire na lisensya ng dala niyang baril na isang kalibre 45 pistola na may dalawang magazine na kargado ng 16 na bala.

 

Nang kapkapan, nadiskubre ng mga pulis sa itim na sling bag ng suspek ang 16 piraso pang bala na para sa kalibre .45 pistol.

 

Sa natanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dakong 7:30 ng gabi nang respondehan ng mga barangay tanod ng Brgy. 176 na sina Resty Curitao, 36, Alvin Villar, 42 at Ariel Aurique ang tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap kaguluhan sa 893 Llano Road.

 

Pagdating sa lugar, lumapit ang lasing na suspek at nagpakilalang miyembro ng Caloocan police saka ipinakita ang dalang baril na nasa kanyang sling bag na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis ang mga tanod.

 

Ayon kay Col. Mina, mahaharap ang suspek sa kasong Usurpation of Authority at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act. (Richard Mesa)

Other News
  • DOTr: MM Subway pinabibilis ang konstruksyon

    TULUY-TULOY ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito.       “We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd […]

  • ARJO, kumpirmadong special guest sa sitcom nina MAINE na ‘Daddy’s Gurl’

    KUMPIRMADO na si Arjo Atayde ang special guest sa birthday episode ni Maine Mendoza sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl na ipalalabas sa March 6 sa GMA-7.     In-announce nga ito sa interview ni Nelson Canlas noong Huwebes (Feb. 25) sa ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras.     Happy […]

  • Camila Cabello & James Corden Stop Traffic With Cinderella Flash Mob

    CAMILA Cabello and James Corden stopped Hollywood traffic with a flash mob to promote the upcoming film, Cinderella.     Sony first announced the development of the Cinderella film in 2019, but amid Covid-19 concerns, the studio canceled the film’s theatrical release and sold the film to Amazon. Now, it is scheduled for release on Amazon Prime on September 3rd, […]