• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin

KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension ng liga at maging ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil sa team bubble training sa Casuy, Sorosogon sa gitna ng lockdown sanhi ng Covid-19.

 

Nawasak na ring tuluyan ang Espana-based squad matapos lumundag sina Mark Nonoy at Deo Cuajao patungong De La Salle University Green Archers na kaliga ng mga tigre.

 

Unang mga umeskapo si Crispin John Cansino patungong University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP di, habang sina Ira Bataller, Brent Paraiso at Rhenz Abando nagpunta sa Colegio de San Juan de Letran ng NCAA.

 

Ninong ng USTe ang Ironcon Builders sa 2019-20 UAAP Season 82 at sa 9th PBA D-League 2019. (REC)

Other News
  • Quezon City LGU, GSIS kapit-bisig sa pabahay program

    NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan.   Sa ilalim nito, ang GSIS ay magtatayo ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka- nangangailangang GSIS members.   […]

  • Pilipinas, makikinabang sa bakunang dine-develop ng United Kingdom na posibleng malikha sa katapusan ng taon

    TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine- develop na bakuna sa COVID 19 para sa Pilipinas.   Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniyay magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.   Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwan ng […]

  • Saso papalo sa LPGA ‘JT’

    IPAGPAPATULOY ni Yuka Saso ang pagkampanya sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21, hahambalos sa ¥80M (₱35.7M) 9th Axa Ladies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture, Japan sa  Marso 26-28.     Magsisilbi ang tatlong araw na torneo para sa 19-anyos na Pinay-Japanese na ipinagmamalaki […]