4 miyembo ng gabinete, sasabak sa Senate race sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction’
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
MAY apat na miyembro ng gabinete ang sasabak sa senatorial bids sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Araw ng Lunes nang kumpirmahin ni Cusi ang mga tatakbo bilang senador sa katauhan nina presidential spokesperson Harry Roque, presidential legal counsel Salvador Panelo, Public Works Secretary Mark Villar at anti-corruption commission chairperson Greco Belgica.
“Si Secretary Panelo po, tuloy po ang pagtakbo nya, Secretary Villar, then si Greco po, Greco will run, Secretary Roque will also run,” ayon kay Cusi.
Ang iba pang Cabinet members sa Cusi-led PDP-Laban faction’s initial senatorial slate ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Magkagayon man, sinabi ni Cusi na sina Bello at Tugade ay magdedesisyon ngayong araw kung tatakbo sila o hindi sa pagka-senador matapos na ianunsyo ni Pangulon Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa politika noong nakaraang linggo.
“We had a long meeting with the President when the President decided not to run. Of course, emotions were running. Talagang ginusto na ng pangulo na umayaw na,” ayon kay Cusi.
“Nalaman din ni Secretary Tugade and Secretary Bello ito and they’re now assessing whether they are also going to withdraw, not file their candidacy dahil gusto nila kung tatakbo sila, kasama nila si Pangulo. Paguusapan po namin ngayon,” dagdag na pahayag nito.
Ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay hanggang Oktubre 8.
Wala naman sa mga nasabing Cabinet members ang nakapaghain na ng kanilang COCs.
Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na walang “leadership vacuum” sa oras na bakantehin na ng mga Cabinet members ang kanilang posisyon bilang paghahanda sa pagtakbo sa Eleksyon 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Binata kulong sa pagnanasa sa dalagang pinsan sa Navotas
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 19-anyos na lalaki matapos pasukin at pagnasaan ang kanyang pinsang buo habang natutulog ang dalaga sa loob ng silid nito sa Navotas City. Naaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 araw ng Lunes ang binatang suspek na itinago sa pangalang “Gardo” makaraang maghain ng […]
-
Malakanyang, umapela sa publiko na sundin na lang ang naging pasya ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal ng outdoor exercises
UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang anumang napagdesisyunan ng Metro Manila Council (MMC) na may kinalaman sa “no outdoor exercise” sa mga lugar na naka- Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng National Capital Region (NCR). Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga alklade Rin naman ang nagpapatupad ng IATF resolutions. […]
-
Gonzales, Rungkat umabot sa double quarterfinals sa Japan tournament
Nagwagi sina fourth seeds Ruben Gonzales ng Pilipinas at Christopher Rungkat ng Indonesia sa kanilang opening-round doubles match sa Unicharm Trophy Ehime International Tennis Open sa Matsuyama, Japan noong Miyerkules. Sina Gonzales at Rungkat na nakabase sa US ay nag-rally kay Rinky Hijikata ng Australia at Yu Hsiou Hsu ng Chinese Taipei, 6-4, 3-6, […]