AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.
Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.
Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga ground commanders sa humanitarian, disaster and relief operations.
Subalit naka-alerto rin laban sa mga rebeldeng grupo na samantalahin ang isinagawang humanitarian and disaster mission.
Aniya, may pwersa ring naka pokus para i mantene ang peace and order lalo na duon sa mga lugar na may mga komunistang rebelde ang nag-ooperate.
Kahapon nagsagawa ng aerial inspection ang militar sa Catanduanes at sa airport nito para makita ang pinsala na dulot ng hagupit ng Bagyong Rolly.
Nagsagawa naman ng relief operations ang 51st Engineering Brigade ng Phil Army sa Baao, Camarines Sur kung saan namahagi itong ng food packs sa komunidad.
Nanguna din sa road clearing operations ang mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa Sorsogon.
Tumulong din ang mga ito sa repacking at pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating biktima ng Supertyphoon Rolly.
Ang Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon at ang Philippine Navy Islander ay nagsagawa naman ng damage assessment mission sa Catanduanes area.
Ang Navy Islander NV312 sa pangunguna ng Pilot In Command, Lt. Cdr. Mark Licos, lumipad sa coastal arwas San Andres at Virac City para i-assess ang pinsala sa lugar na dulot ng Bagyong Rolly. (Ara Romero)
-
Country classification, suspendido simula Pebrero 1
SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159. Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na […]
-
Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello
Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa. “Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit […]
-
KAUNTI na lamang ang Chinese ships sa Escoda (Sabina) Shoal dahil sa masamang panahon. Ito ang sinabi ni National Maritime Council (NMC) spokesperson Undersecretary Alexander Lopez sabay sabing ang kalikasan ay kakampi ng Pilipinas. “Kung ang time frame natin is before yung umalis ang (BRP Teresa) Magbanua marami talaga. Pero nung […]