• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, personal na sinalubong si Kuya KIM sa gate ng GMA-7; matatawag ng ‘Kapuso’ ang kaibigan at kumpadre

BUKOD sa personal talagang sinalubong ni Dingdong Dantes sa gate ng GMA-7 si Kuya Kim Atienza nang dumating ito habang naka-motor, same with Dingdong din, heto’t may pa-Instagram post pa ang aktor.

 

 

Pinost niya ang picture nila habang nasa may monument, sa compound ng GMA at parehong naka-heart sign.

 

 

Close talaga sina Dingdong at Kuya Kim at magkasama rin sila sa Europe nang mag-motor sila with their EuroMonkeys group.  At sa post ni Dingdong, nabanggit niya na malaki ang pasasalamat niya kay Kuya Kim na siya raw nag-welcome at nagpakilala rin sa kanya sa iba’t-ibang communities o grupo.

 

 

Ayon kay Dingdong, “Not many may know this, but I have always given so much value and importance to the many occasions where @kuyakim_atienza wholeheartedly welcomed me into communities that have changed my life— from running, to our love for motorcycles and even spirituality.

 

 

“Ni minsan, hindi siya naging madamot sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman, passion at pananaw sa kung ano ang nararapat at kailangan. 

 

 

      “Kaya naman ang tawag ko sa kaniya ay KUYA, hindi dahil ‘yan ang screen name niya, kundi ‘yan ang tingin ko sa kaniya— isang nakatatandang kapatid.

 

 

      “KA- EM, because we belong to the same riding group. 

 

 

      “Ka- GOTTA, because we belong to the same health and wellness circle. 

 

 

      “KUMPADRE dahil siya ay Ninong ng aking anak. 

 

 

“But today, I’d like to take this opportunity to welcome you into a place that i have considered home for the past decades…

 

 

“Kaya Kuya, kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na rin kitang KAPUSO.”

 

 

***

 

 

SA recent YouTube vlog ni Bea Alonzo kunsaan, naka-collab niya ang isa sa pinakasikat na YouTuber na si Zeinab Harake, si ‘Cinderella’ raw ang pinaka-paboritong Fairytale character ng actress.

 

 

Pero sinundan niya agad ito na hindi na siya naniniwala rito.

 

 

      “Ako dati ang favorite character ko ay Cinderella. Pero I don’t believe in fairytale anymore. Hindi totoo ang mga fairytales,” sey niya.

 

 

Sabi pa ni Bea na parang ang lalim ng pinaghugutan, “Dapat ine-educate natin sila na ‘life isn’t perfect.’  Na walang knight in shining armour nase-save sa ‘yo. You have to save yourself, gurl! 

 

 

“Parang walang bubuo sa ‘yo, dapat ikaw ang bubuo sa sarili mo”

 

 

      Sa isang banda, inamin ni Bea na nai-inspire raw siya sa ka-collab na pamilyadong tao na ito at her young age. Pero sey niya, pupunta rin siya ro’n pero hindi pa ngayon.

 

 

Pero obviously, masaya lang si Bea ngayon na bilang bagong Kapuso ay may bonggang pa-welcome ang All-Out Sundays at sa relasyon na meron siya kay Dominic Roque.

 

 

Sa tanong nga kung kailan siya huling umiyak, “Alam mo hindi ko na maalala, parang hindi na ako umiiyak lately.”

 

 

      Kung ang ka-collab niya ay sobrang maraming same interest sa partner niya, si Bea naman, inamin na bukod sa pagiging foodies at malapit sa pamilya nila ni Dominic, magkaibang-magkaiba na raw sila.

 

 

Pero sila naman daw ng boyfriend, “Opposites attract each other kami.”

 

 

***

 

 

SOBRANG ine-embrace ni Kylie Padilla ang role niya bilang lesbian sa BetCin.

 

 

Napanood namin ang interview nilang dalawa ni Andrea Torres sa WeTV at kung hindi namin ito kilala, iisipin naming tomboy ang estranged wife ni Aljur Abrenica ha.

 

 

Tomboy na tomboy ang datingan niya mula sa porma hanggang sa pagsasalita. Kung paano siya sumagot sa mga ibinabatong tanong.

 

 

May mga balitang posibilidad na pagbabalikan daw between Kylie and Aljur, although nandyang nali-link din si Aljur sa iba.  Pero kung titingnan si Kylie, parang okay na okay ito ngayon at acknowledge rin niya ang madalas na comment daw sa kanya ng mga kaibigan na katangian niya which is creative, honest at strong siya.

 

 

      “Kapag nakakausap ko sila, ‘yun ang palaging sinasabi nila sa akin, lalo na strong ako. I always hear those things,” sey niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Unang batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating sa Abril 12

    INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa Covid -19 sa bansa ngayong buwan.   Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna- unahang batch ng bakuna na galing ng Russia.   Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang […]

  • Kawani ng PSC na dawit sa daya-sahod kinasuhan

    NABUKING ng Department of Justice  (DoJ) ang mga dahilan para sa reklamo na isinampa ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kawani na sangkot sa payroll padding scheme sa nakalipas na taon.   Sa may 23-pahinang resolusyon na nilagdaan nitong isang araw nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, […]

  • NLEX MAG-AABANG LANG KAY NIETTO

    HANDANG maghintay ang North Luzon Expressway o NLEX kay Matt Nieto. Ang 22-anyos na basketbolista ang third pick ng Road Warriors at isa sa kambal na panalpok ng Ateneo de Manila University, hinugot siya sa Gilas Pilipinas Special Draft -Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Rookie Draft 2019. NLEX ang pro team niya, pero magsisilbi muna sa […]