• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VILLAR NAGBITIW NA SA DPWH

MAGBIBITIW na ngayong linggong ito sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Sec. Mark Villar.

 

 

Ito ang inanunsyo kahapon ng kalihim ngunit hindi nan binanggit ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

 

 

“This is my last day after 5 years. I have officially filed my resignation effective Wednesday, so I will be stepping down on Wednesday as Secretary,” pahayag ng kalihim

 

 

“Sinabi ko na kay Presidente na ito ang pinakamalaking karangalan sa buhay na maging bahagi ng DPWH,” dagdag pa ni Villar

 

 

Nauna nang inihayag ng PDP-Laban party na tatakbo  si Villar sa darating na 2022 elections.

 

 

Sa kanyang talumpati sa kanyang huling flag raising ceremony bilang kalihim ng DPWH, binigyan ng pagkilala ni Villar ang departamento at ang mga kawani  nito, na sinasabing siya ang “pinakasuwerteng tao” na nakikipagtulungan sa kanila matapos na itinalaga siya sa posisyon noong 2016.

 

 

Aniya sa nagdaang limang taon na pagseserbisyo sa departamento, pakiramdam niya ay mayaman na mayaman  siya dahil sa lahat ng “friendship” na nagawa niya sa departamento.

 

 

” Kaya mayaman na mayaman na ako dahil sa inyong lahat,” ayon pa sa kalihim.

 

 

Hindi naman batid pa kung sino ang papalit sa iiwanang puwesto ng kalihim. GENE ADSUARA

Other News
  • Bigyan ng authority ang mga LGUs na direktang makipagnegosasyon sa sa mga COVID-19 vaccine manufacturers

    Umapela si League of Provinces of the Philippines National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., sa pamahalaan na bigyan ang mga LGUs ng malinaw na authority para direktang makipagnegosasyon sa mga COVID-19 vaccine manufacturers.    Ayon kay Gov. Velasco, ama ni Speaker Lord Allan Velasco, batid naman niya na kailangan dumaan ang mga local […]

  • Dahil inakalang nang marami na ikakasal na sila: BIANCA, nilinaw na old photo yun at teaser ng project nila ni RURU

    CONGRATULATIONS to Matteo Guidicelli, the first celebrity reservist to join the VIPPC training program. Matteo has finished the Very Important Person Protection Course (VIPPC) under the Presidential Security Group (PSG) as part of its class 129-2022.     Nag-share si Matteo ng photos sa kanyang Instagram ng graduation ceremony niya last Monday, October 24, na […]

  • DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816

    AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.   Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.   Mula sa mga bagong kaso […]