• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go, kinilalang ‘Ama ng Malasakit Center’

Tiniyak ni Senate Committee on Health and Demography chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga Filipino na tuluy-tuloy na magiging operational ang Malasakit Centers at sisiguruhin niyang mas mabilis, maayos at abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan sa harap ng patuloy na pandemya.

 

 

Matapos magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagkapangalawang-pangulo sa 2022 elections, nangako si Go na tulad ng naibibigay na tulong ng Malasakit Centers sa mga nangangailangan ay mas pabibilisan ang healthcare services sa bawat Filipino.

 

 

Si Go ang utak ng Malasakit Centers initiative at may-akda ng Malasakit Centers Act of 2019 na isi­nabatas at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kaya naman kinikilala siyang “Ama ng Malasakit Centers” program na na-institutionalized sa pamamagitan ng Republic Act No. 11463.

 

 

Ang Malasakit Center ay one-stop shops ng pinagsama-samang mga ahensiya ng DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth sa iisang bubong upang mas maging madali sa mga mahihirap at indigent Filipinos na magkaroon ng access sa medical care.

 

 

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 141 Malasakit Centers na nag-ooperate sa bansa.

 

 

Sinabi ni Go na sa mahigit niyang 20 taon sa public service, nasaksihan niya kung paano naging mahirap sa mga mahihirap makatanggap ng medical care kaya naisipan niyang magbukas ng kauna-unahang Malasakit Center sa Cebu City noong 2018.

Other News
  • “THE FLASH” UNVEILS OFFICIAL CHARACTER POSTERS FOR BATMAN, SUPERGIRL

    A day after revealing the first official trailer of “The Flash,” Warner Bros. Pictures has just debuted three character posters for the DC superhero film — those for Batman, Supergirl and The Flash.       Watch their worlds collide only in theaters across the Philippines starting June 14.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/3DXdHNAR4u8] […]

  • Supply ng oxygen sa Metro Manila sapat

    Sapat pa umano ang oxygen supply sa Metro manila sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dahil na sa Delta variant.     “Kahit itong huling ECQ (enhanced community quarantine) marami namang dumating na oxygen tanks hanggang ngayong araw na ito hindi naman tayo nagkakaroon ng shortage pagda­ting sa tangke dito sa […]

  • Kaabang-abang ang full trailer ng MMFF entry: Lakas ng ’Topakk’ nina ARJO, mararamdaman na ngayong Pasko

    “SA wakas!! Masaya kaming team TOPAKK na mapapanood niyo na lahat ito!!!   Kaya sa Dec 25, makipag-TOPAKKan na!!!! Damay damay na ‘to!”, ito ang caption ni Sylvia Sanchez tungkol sa ng announcement ang “Topakk” na entry sa 50th Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.   Caption sa social media post ng […]