• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, gustong imbestigahan ang quarrying operations sa Guinobatan, Albay

GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na imbestigahan ang di umano’y quarrying operations sa Guinobatan, Albay na ginagawa habang nananalasa ang bagyong Rolly.

 

“Papa-imbestigahan ng Pangulo ang quarrying sa Guinobatan. Nagreklamo ang mga residente,” ayon kay Senador Bong Go.

 

Iyon nga lamang, nananatili aniyang hindi malinaw kung ano ang tunay na reklamo ng mga residente kaugnay sa di umano’y quarrying activities.

 

Nauna rito, binisita ni Pangulong Duterte ang Guinobatan at nakipagkita sa mga residente nang magsagawa ng aerial inspection ng nasabing bayan isang araw matapos bayuhin ng Super Typhoon Rolly.

 

Maliban sa Guinobatan, nagsagawa rin ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa Catanduanes, unang lalawigan na tinamaan ng bagyong Rolly.

 

Matapos ang inspection at pakikipagpulong sa mga residente, makikipagkita naman ang Chief Executive sa mga concerned officials para sa situation briefing para pag-usapan ang gagawing pagtugon ng pamahalaan sa mga apektado ng kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • High trust para sa AFP , hindi ikinagulat ng Malakanyang

    HINDI na ikinagulat pa ng Malakanyang ang kamakailan lamang na survey ng PUBLiCUS na nagpapakita na nakakuha ang   Armed Forces of the Philippines (AFP) ng  mataas na “trust rating” mula sa 10 ahensiya ng pamahalaan.     Ang katwiran ng Malakanyang, kitang-kita naman kasi kung paano gampanan ng  AFP ang tungkulin nito sa panahon ng […]

  • Malakanyang, isinapubliko ang priority population groups

    ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang priority population groups para sa inihahandang pagbabakuna laban sa Covid -19 ngayong buwan.   In-adopt ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG) ang mga sumusunod na priority population groups para sa gagawing pagbabakuna.   Ito ay ang mga sumusunod: A1: Frontline workers sa mga health facilities kapwa national and local, […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 38) Story by Geraldine Monzon

    NAPAGKASUNDUAN ng mag-asawa at ng anak nilang si Bela na magpapaalam muna ang huli sa kanyang mga amo at sa tao na pinagkakautangan niya rin ng loob bago siya tuluyang sumama sa kanila.   Si Cecilia. Ang tao na tinutukoy ni Andrea na tumulong sa kanya mula noong mawala ang mga magulang na kumupkop sa […]