• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, mabigat ang puso sa paglalaban nina Sen. KIKO at Senate Pres. TITO bilang Vice President; humihiling na sila’y ipagdasal

NAKABALIK na si Megastar Sharon Cuneta mula New York, na binisita niya ang panganay nilang anak ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie na nag-aaral doon. 

 

 

Ipinost ni Shawie ang nararamdaman niya sa pagbabalik ng bansa.

 

 

“I come home with a happy, but heavy heart.  Two men I greatly love – one whom I have known since birth, and the other, one I exchanged solemn vows with twenty-five years ago, are about to vie for the second highest position in the country, and once again, I do not know what I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks.

 

 

What could I, can I do! I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us. 

 

 

It is most difficult for us in the periphery, who never imagined we would be in this position.  May God bless us all.  May God help me through this trying period… Please pray for all of us.”

 

 

Magkakalaban nga sa posisyon bilang Vice President ang dalawang lalaking malapit na malapit sa kanyang puso, ang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan na running mate ni VP Leni Robredo at kanyang uncle na running mate ni Sen. Ping Lacson na si Senate President Tito Sotto.

 

 

***

 

 

PATULOY na nagti-trending araw-araw ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha dahil hinihintay naman ngayon ang sinabi ni actress-director Gina Alajar sa exclusive interview niya after ng eksena nila ni Cielo (Claire Castro), na marami pang aabangang eksena sa last two weeks ng serye.

 

 

Sa interview, binigyan pala ni Ms. Gina si Claire ng instructions kung paano ang gagawin nito sa eksena para hindi siya masaktan.  Ayaw daw kasi niya na peke ang eksena na tuhog pa naman ang take nila. Hindi raw tumanggi si Claire at sabi ay isang honor daw sa kanya na masampal ni Ms. Gina Alajar.

 

 

Ang mga gustong malaman ngayon ng mga netizens, ay kung magbabalik na ba ang magandang relasyon ng mag-asawang Maita (Glaiza de Castro) at Alex (Rayver Cruz). Magbago na ba at mag-sorry na si Cielo sa lahat ng kasalanan niya o manatili pa rin ang katigasan ng ulo niya? Tuluyan na kayang itakwil ni Maita si Cielo o patawarin pa rin niya at manatili ang pagmamahal sa nakababatang kapatid?

 

 

Ang Nagbabagang Luha ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30PM after Eat Bulaga.                 

 

***

 

 

LAST October 10 ay nag-celebrate ng birthday niya si Sorsogon City Governor Chiz Escudero at nag-celebrate sila ng wife niyang si Heart Evangelista sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.

 

 

Ipinakita ni Heart sa kanyang YouTube channel titled “A Mini Honeymoon with Chiz in Balesin.”

 

 

Sila lamang dalawa ang magkasama, wala silang maid or helper na kasama, kaya talagang in-enjoy nila ang ilang araw na mini-honeymoon, like si Chiz ang nagda-drive ng golf cart para maglibot sa island.

 

 

Ginawa na nila ito ngayon dahil pareho raw silang magiging busy sa mga susunod na araw.

 

 

After ni Heart ng last lock-in taping niya ng romantic-drama series nilang I Left My Heart in Sorsogon with Richard Yap, pupunta  siya sa New York for a TVC shoot ng isang brand ng rubber shoes.

 

 

At si Gov. Chiz sa nalalapit ng election campaign dahil muli siyang kakandidatong Senator.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Bukod sa hirap mag-memorize ng mga medical terms: JILLIAN, naranasan din sa serye na makasali sa beauty contest

    SI Kapuso Teen Queen Jillian Ward as Dra. Analyn Santos ng top-rating GMA Afternoon Prime drama series na ‘Abot-Kamay na Pangarap’ na nagtatampok din kina Carmina Villarroel, Richard Yap at Dominic Ochoa, ang gusto ng mga netizens na siyang manalo bilang Miss APEX Medical Center.     Kaya happy and thankful naman si Jillian sa […]

  • 1 Corinthians 12:9

    My grace is enough for you.

  • PNP todo-bantay sa mga pasaway sa ECQ

    Todo higpit ang isasa­gawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga pasaway na indibidual na lalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na epektibong ipatutupad sa darating na Agosto 6-20 sa buong Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 Delta variant.     Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nakasaad sa Omnibus Guidelines na […]