• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC

INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya.

 

Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya.

 

Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner Guerrero.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na kuntento siya sa trabaho ni Guerrero sa Customs at maganda naman ang ipinapakita nito. Aniya, marami ng sinibak sa puwesto si Guerrero sa BOC dahil sa katiwalian.

 

“Well, I am not — I am excluding Jagger. Kaya ko iniligay siya diyan eh. He is working well. Marami na siyang napaalis,” ayon sa Pangulo

 

Sa public address ng Pangulo ay inihayag nitong 20 ang nadismiss sa BOC habang nasa 1 daan at 35 ang under investigation at 45 ang naasunto na ng kasong administratibo na sabi naman ng Presidente ay dapat ding makasuhan ng kasong criminal.

 

“Sa… Hindi ko na lang basahin. Sa Customs, 20 na ang dismissed talaga. Apat ang suspendido, kaya siguro iniimbestiga pa. Four, reprimanded lang, 135 investigated by the BOC-Customs Intelligence and Investigation Service. So iniimbestigahan pa. Forty-five charged with administrative cases before the BOC-Legal Service,” aniya pa rin.

 

“Now, dito sa administrative, hindi ako… I’m not satisfied. There has to be a law being — to charge with administrative… I’d like to call the Customs na criminal pati administrative talaga. And dito sa… Ito namang sa PhilHealth na ‘yung that’s what I cannot under- stand,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • P88.56 billion dividends na ni-remit ng GOCC, makatutulong sa buhay ng mga Filipino-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong ng malaki ang ni-remit na P88.56 billion dividends ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) para mapabuti ang buhay ng mga Filipino.     Nito lamang kasing May 3, nag-remit ang GOCCs ng nasabing halaga sa kaban ng bayan.     Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang […]

  • Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018

    NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018.   Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business […]

  • MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

    NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]