• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: 2,000 UV Express units balik kalsada

HALOS mayroong 2,000 UV Express units ang pinayagan muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bumalik sa kanilang operasyon.

 

Ayon sa LTFRB may kabuohang 6,755 na UV Express units ang magkakaron ng operasyon sa 118 na pinayagang ruta sa Metro Manila matapos ang huling batch ng 2,428 na units maging operational.

 

Ang mga bagong ruta na pinayagan ay ang mga sumusunod: Karuhatan-North Road Rail Station Terminal; Karuhatan-SM North EDSA/Trinoma; Robinson’s Novaliches-Vito Cruz at Buendia; Rosario- McKinley Hills; San Bartolome-MRT North Avenue Station; San Roque-Commonwealth Market; SM Fairview-Buendia at TM Kalaw.

 

Kasama rin ang rutang SM North CIT-TM Kalaw; SM South Mall- Lawton; Sto. Nino-Ayala at Ortigas Center; Sucat-Lawton; Tandang Sora –TM Kalaw;Trinoma –Robinson’s Novaliches; Rodriquez-Araneta at Cubao; at Montalban Central Terminal-Cubao Central Terminal.

 

Sinabi ng LTFRB sa mga operators na hindi na nila kailangan kumuha ng special permits upang makapag operasyon subalit kailangan nilang kumuha ng downloadable QR code at mag observed ng minimum health at safety standards.

 

Pinaalalahanin ng ahensiya na ang public utility vehicles ay kinakailangan magkaron ng valid certificates of public convenience bago sila mag operasyon.

 

Sa ilalim naman ng Memorandum Circular 2020-066, ang lahat ng UV Express units ay kinakailangan din na may Personal Passenger Insurance policy.

 

Wala rin na fare hike ang papayagan maliban kung pinayagan ng LTFRB. Dapat lahat ng regulasyon ng LTFRB ay kanilang susundin at kung hindi mapipilitan ang LTFRB na bigyan ng multa ang mga operators.

 

“Anyone caught violating these rules would be penalized, fined and their permits revoked,” sabi ng LTFRB.

 

Samantala, ang LTFRB ay pinayagan ang may kaubohang 33,163 na traditional jeepneys ang magkaron ng operasyon sa 371 na ruta; 4,499 buses sa 35 na ruta; 387 na point-to-point shuttles sa 34 na ruta; at 865 na modern jeepneys sa 48 na ruta.

 

Mayron namang kabuohang 305 na provincial buses ang pinayagan din na magkaron ng operasyon.

 

Ang Taxis naman ay 20,964 at 25,068 Transport Network Vehicle Services ang may operasyon sa Metro Manila. (LASACMAR)

Other News
  • Naputukan nitong New Year 585 na; nasapol ng ligaw na bala dumami

    SUMAMPA na sa halos 600 katao ang bilang ng nadidisgrasya ng paputok atbp. paingay sa pagpasok ng 2024 habang nadagdagan naman ng dalawa pa ang bagong kaso ng stray bullet injuries, ayon sa Department of Health.     Ayon sa DOH ngayong Huwebes, nadagdagan pa kasi ng 28 fireworks-related injuries mula ika-3 hanggang kaninang madaling […]

  • Pagpunta sa indoor religious gatherings, nagsisiksikang mall at tiangge…mga high risk activities ngayong holiday season – Malakanyang

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang  ang  publiko  ukol  sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season.   Sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang  panahon ng Kapaskuhan ay  isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal […]

  • Kelot tigbak sa sapak ng kapitbahay

    DEDBOL ang isang 42-anyos na lalaki matapos bumagsak sa tulay na kahoy habang nakikipagsuntukan sa kanyang kapitbahay makaraan ang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Ruel Asignado, 42 ng 38 C. Arellano St. Brgy. San Agustin habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng […]