• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOMARI, umaming si ABBY ang ‘lucky charm’ at maraming naiturong tama sa buhay niya

NATANONG si Jomari Yllana na muling tatakbo para sa ikatlong termino bilang Konsehal ng 1st District ng Paranaque, tungkol sa patuloy na pangmamaliit sa mga artistang gustong maging public servant.

 

 

Kuwento ni Joms, “Bata pa lang ako naririnig ko na ‘yan, ‘artista lang ‘yan!’ Actually, noong panahon ng Guwapings pa lang, naaalala ko pa yun na isa sa tinayuan naming entablado for Sonny Belmonte sa Quezon City, tapos magsi-segue way kami kay Mayor Joey Marquez sa Paranaque.

 

 

“Growing up as an actor, naririnig namin ‘yan, pero dito naman sa Paranaque since I started, sanay na sanay na naman tayo everytime na maririnig natin yan.”

 

 

“Although, ang Paranaque, sanay naman talaga sa artista, we have Roselle Nava, Jason Webb, Vandolph Quizon, Anjo Yllana, Joey Marquez and Alma Moreno, kumpleto talaga kami kami hindi lang artista. 

 

 

“But the competition is very tough! Kumbaga, ‘yun nilatag ng mga nauna sa amin na actor/politician, the standard is very very high.

 

 

“So kaming sumunod, hindi puwedeng hindi kami mag-perform, kasi meron kaming three-termer na Joey Marquez at Anjo Yllana.

 

 

“Kaya kung meron man kaming aanihin na itinanim nila, hindi mawawala na I-compare kami sa mga nagawa nila.

 

 

“Kaya kami dito, hindi pupuwedeng papetiks-petiks lang.  We really have to performed. Nagpapasalamat din kami dahil maswerte na may naunang actor/politicians who paved the way for us,” dagdag paliwanag pa ng aktor na di malilimutan ang pagganap sa mga pelikulang The Healing, Ikaw ang Pag-ibig, Sigaw, Minsan Pa, Gatas… Sa Dibdib Ng Kaaway, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Sa Pusod ng Dagat, at Diliryo.  

 

 

Kung babalik man siya sa pag-aartista after ng last term niya sa pagiging konsehal kung papalarin muli, mas gusto niyang makagawa ng pelikula dahil miss na miss na niyang makapag-shooting kesa gumawa ng teleserye dahil hindi gusto ang lock-in taping.

 

 

Inamin niya na nakatanggap siya ng tawag sa Ang Probinsyano, at kinausap din siya nina Dondon Monteverde at Erik Matti pero hindi hindi niya natanggap dahil nakatutok siya sa paglilingkod sa nasasakupang distrito.

 

 

Nabanggit din ni Jomari ang mga iniidolo niya na actor/politician ay ang mag-asawa na sina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez, dahil hindi matatawaran ang kanilang serbisyo sa kanilang nasasakupan, na nakabibilib at nakaka-inspire.

 

 

Bilib din ang Konsehal sa pinagdaanan ng kasabayan nila noong Dekada ‘90 na si Mayor Isko Moreno na nagpursige at nagsumikap, na ngayo’y isa na ngang tumatakbo bilang Pangulo sa Halalan 2022.

 

 

Tungkol naman sa supportive partner niya ngayon si Abby Viduya.

 

 

“Alam mo si Abby, napaka-espesyal sa akin, na kahit nagkahiwalay kami, ang ending kami rin pala.

 

 

“Si Abby is very supportive sa lahat nang ginagawa ko lalong-lalo na sa public service.  Siya talaga ang masasabi kong lucky charm.  Mula noong nagsama kami uli, marami siyang naiturong tama sa buhay ko. 

 

 

“Isa siya sa mga taong nagbigay sa akin ng inspirasyon, kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya,” pahayag pa ng actor/politician.

 

 

I’m here for him. If he needs anything, nandito lang ako for him kung ano ang kailangan ni Jom. I think, mostly napu-provide ko for him is inspiration. It goes both ways, pareho kami.

 

 

Together we make each other stronger. We can face anything. Ganun ang love namin for each other. At saka yung mutual respect and understanding for each other,” say naman ni Abby na kasama sa big cast ng GMA Primetime series na Lolong na malamang next year na umere.

 

 

Tungkol naman sa pagbabalik-pelikula ni Abby, since uso naman ang sexy comedy ngayon, tatanggapin kaya niya kung mag-offer para sa Vivamax.

 

 

“For sure, kung sexy-comedy I would love to do that or any role tatanggapin ko, but with limitations na, kasi my body is not like before.

 

 

“Actually, may offer ang Viva Films, kaya lang, conflict of schedules at saka start yun ng pandemic, kaya scared ako to go out.”

 

 

Samantala, inamin ng dating aktor na very challenging ang second term niya bilang council member dahil na rin sa pandemya.

 

 

Our focus in Paranaque is on livelihood and recovery, medical care and education,’’  tugon pa ni Jomari na head ng council committees on information technology, tourism and social services.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente

    Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).   Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado.   Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa […]

  • Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

    IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]

  • JADE RICCIO, proud sa celebrity students tulad nina MICHELLE, RHIAN, MAYMAY, ATASHA at ZIA

    INIIMBITAHAN ng Riccio Music & Artistry (RMA) Studio Academy ang lahat na maging bisita nila sa kanilang annual musical recital concert sa Disyembre 1, 2024, ika-6 nang gabi sa The Podium Hall.   Sa temang, “Be Our Guest”, titipunin ng konsiyerto na ito ang mga mag-aaral, pamilya, celebrity, at iba pang A-lister na bisita ng […]