• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direk GINA, mabilis na nag-sorry kay CLAIRE after ng eksenang sampalan na nag-trending sa Facebook at Twitter

INABOT daw ng halos isang oras sa pagligo si Claire Castro pagkatapos ng eksena sa Nagbabagang Luha kunsaan nakatikim siya ng matinding sampal mula kay Gina Alajar.

 

Bukod daw sa sampal ay nginudngod pa raw ang mukha niya sa cake. Pero naging professional daw si Claire at ikinatuwa pa niya ang masampal ni Direk Gina at maging ni Glaiza de Castro.

 


      “Siguro halos 40 minutes akong naligo after no’n kasi po ‘yung hair ko ayaw po matanggal ng icing. Saka sa ears ko po ang dami pero ang saya po ng scene na ‘yun for me, kasi lahat po siguro ng pinagdadaanan sa personal life ko, nilabas ko po do’n by crying.

 


      “Isang karangalan po!” sey ni Claire na masampal siya ni Direk Gina.

 

Mabilis naman daw nag-sorry si Direk Gina kay Claire pagkatapos ng eksenang iyon na nag-trending sa Facebook at Twitter.

 

      “After the sampal, I really hugged her so tight and said ‘I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry’ that gano’n kasi talagang napakalakas ‘yung sampal ko tapos sabi nya, ‘It’s okay po, I can take it.’ Napakabait naman ng batang ‘yun.”

 


      Pinaliwanag naman ni Direk Gina kung bakit niya nagawang i-backhand slap si Claire.

 

“Sabi ko kay Direk Ricky (Davao), sinuggest ko na imbes na pagharap ko, sampalin ko siya dito, since nasa kanan na ‘yung kamay ko, i-backhand ko na siya. Kasi alam ko meron nakapagsabi sa akin no’n kapag sinampal ka ng patalikod, it’s very humiliating.”

 


      Sa sobrang lakas daw ng sampal ni Direk Gina, nagulat daw sina Glaiza, Rayver Cruz at Mike Tan dahil hindi raw iyon ang ini-expect nilang mangyayari sa eksena.

 

***

 

Thankful si Matt Lozano na sa tagal na niya sa showbiz ay ngayon lang siya nabigyan ng kontrata sa GMA Artists Center.

 

Nagsimula bilang child actor si Matt at ginamit pa niya pangalan noon ay Mavi Lozano noong maging contestant siya sa Star Factory ng TV5. Ilan sa mga pelikulang nilabasan ni Matt noon ay Faces of Love, My Bestfriend’s Girlfriend, When I Met U, Flames of Love at El Presidente.

 

Noong pasukin ni Matt ang pagkanta, sumali siya sa singing contest na Spogify ng Eat Bulaga noon 2016 at siya ang nanalo.

 

Ang mother ni Matt ay ang dating singer na si Elaine Carriedo-Lozano na ang life story ay na-feature sa Magpakailanman.

 

 

“I’m very thankful dahil sa lahat ng pagod at hirap na dinanas ko simula nag magsimula ako sa showbiz, ngayon lang nabibigyan ng value ’yong craft ko. Kasi lahat ng pinapangarap mo dati, unti-unti kong nakakamit dahil sa GMA-7.

 


      “I’ve been in the showbiz industry for over a decade now and bata palang ako Kapuso na ’ko. Sobrang fan na ako ng Kapuso ang sobrang dati pangarap ko na magkaroon ng isang supehero series and now it’s finally happening,” sey ni Matt tungkol sa pagganap niya bilang si Big Bert Armstrong sa Voltes V: Legacy.

 


      Pinasok na rin ni Matt ang pagsulat ng sarili niyang songs tulad ng “Walang Pipigil” na nai-launch last month ng GMA Music.

 

***

 

HINDI mapigilang maging emosyonal ng celebrity dads na sina Juancho Triviño, Mark Herras at Rodjun Cruz matapos silang mawalay sa kani-kanilang pamilya para sa lock-in taping ng kanilang mga proyekto.

 

Hindi napigilan ni Juancho na maging emosyonal nang kailanganin na niyang mag-quarantine para sa taping ng isang drama series. Tatlong buwan pa lamang ang anak nila ni Joyce Pring na si Baby Liam at alam niyang kailangan ng kanyang misis ang katuwang sa pag-aalaga sa kanilang anak.

 


      “‘Yung anxiety na naramdaman ko being away from Joyce tsaka now, son ko, medyo malakas siya, kakaiba. So hindi ko napigilang maging emosyonal nu’ng umalis ako,” sabi ni Juancho.

 

Samantala, sa lock-in taping na nagdiwang ng kanyang kaarawan si Rodjun. Unang beses ni Rodjun na malayo sa kaniyang pamilya sa araw ng kanyang kaarawan.

 

Kaya naman sobra ang saya ng aktor nang sorpresahin siya ng kanyang pamilya sa isang birthday salubong sa pamamagitan ng Zoom meeting.

 

“Naging emotional din ako eh, kasi hindi ko maki-kiss si Baby Joaquin, hindi ko maki-kiss si Dianne. Tapos ‘yung mga family members hindi ko maha-hug, hindi ko sila personally makakasama. Pero nakumpleto pa rin ‘yung birthday ko kasi sinurprise nila ako,” sey ni Rodjun

 

Hindi rin naiwasan ni Nicole Donesa na maging emosyonal sa pag-alis ni Mark sa kanilang tahanan para sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na Artikulo 247.

 

Kinagabihan bago sumalang sa lock-in taping, hindi makatulog ang dalawa habang binabantayan ang kanilang anak na si Baby Corky.

 

 

“I don’t know, I’m excited to work, but I don’t wanna leave the house,” sey ni Mark na isinakripisyo muna ang isang buwan na hindi niya muna mayayakap ang ang misis at ang baby nila.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MAVY LEGASPI, gustong maka-loveteam si KYLINE ALCANTARA

    Para sa 46th birthday ni Donita Rose noong nakaraang December 5, nag-organize ito ng isang photoshoot kunsaan may glam team pa na nag-ayos ng kanyang make-up, buhok at isusuot.   Na-miss raw ni Donita ang ganitong klaseng photoshoots, lalo noong panahon na nagsisimula pa lang noong 1989 at nung maging sikat siyang VJ ng MTV […]

  • Libreng sakay program ng PUVs at MRT-3, magtatapos sa Hunyo 30

    MAGKASABAY na magtatapos ang ‘Libreng Sakay program’ ng mga public utility vehicles (PUVs) at ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Hunyo 30, 2022, na siya ring huling araw sa puwesto ng administrasyong Duterte.     Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nagdesisyon silang tapusin na ang kontrata ng mga natitira […]

  • House oks drag racing ban ng PUV drivers

    Isang mungkahi ng Mababang Kapulungan ang pinagtibay sa ikalawang pagsusulit tungkol sa pagbabawal ng bus at jeepney drivers na mag drag racing sa mga pangunahing lansagan.     Ang mahuhuling mga bus at jeepney drivers ay papatawan ng malaking multa at parusang pagkakabilango ng isang taon.     Ito ang House Bill 8916 na gawa […]