• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey

Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.

 

 

 

Nanguna si Marcos sa mga Presidential candidates sa Manila Bulletin (MB) Online Presidential Survey na ginawa sa Facebook mula Oktubre 15 hanggang 17.  Tinalo ni Marcos ang iba pang mga Presidentiables gaya nila Isko Moreno at Leni Robredo.

 

 

 

Ayon sa datos Martes ng umaga, Nakopo ni Marcos ang 655,000 heart emojis, sumunod sa kanya si Robredo na may 216,000 care emojis at si Isko Moreno na nagsara sa pangatlong puwesto ng may 33,000 likes.

 

 

 

Umani ng 800,000 reactions mula sa mga netizens ang Facebook survey kung saan kailangan i-click ng mga respondents ang naka-assign na emoji para sa kanilang napupusuang kandidato.

 

 

 

Sa artikulong nilathala ng Manila Bulletin nitong Lunes, lumalabas na 73% ng mga respondents ay pinili si Marcos bilang Presidente.  Higit na mas malaki ito sa naitala ni Robredo na 24% na mga boto.  Samantala, si Domagoso ay pumangatlo at sinundan ng mga senador na sina ‘Bato’ Dela Rosa, Manny Pacquiao and Ping Lacson.

 

 

 

Nagsagawa rin ng kasabay na survey ang Bulletin sa Twitter at official website nito kung saan naungusan ni Robredo si Marcos ng bahagya. Subalit ang mga respondents sa mga naturang platforms ay higit na mas maliit kumpara sa mga nakilahok sa Facebook survey.

 

 

 

Nagtala lamang ng 10,500 respondents sa official website ng Bulletin at 43,300 naman sa official Twitter account nito. Kumpara sa 839,000 na respondents na sumali sa Facebook survey.

 

 

 

Bagaman halos pareho ang pagkakadisenyo sa survey ng Rappler, naging mas katanggap-tanggap sa mga netizens ang naging resulta ng online survey ng Manila Bulletin. Matatandaan na napilitang ibasura ng Rappler ang naunang survey nito matapos magreklamo ang mga netizens dahil nakita na karamihan ng mga bumoto para kay Robredo ay tunog-banyaga ang mga pangalan.

 

 

 

Umapela naman si Marcos sa kanyang mga tagasuporta nitong Lunes na wakasan na ang hate campaign laban sa Rappler. Aniya, dapat na bigyan ng panibagong pagkakataon ang Rappler na mahanap ang katapatan sa kanilang puso.

 

 

 

Nagbigay naman na kasiguraduhan ang Manila Bulletin sa publiko na hindi nito isasara ang survey at nagsabing ginagawa nila ito upang masukat ang sentimyento ng kanilang mga mambabasa sa kanilang mga online platforms.  Dagdag pa nila, isasagawa nila ang nasabing survey kada buwan.

Other News
  • Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

    Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.   Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.   Sa […]

  • Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang

    POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections.   Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya […]

  • Setyembre ng bawat taon, deklaradong ‘Bamboo Month’

    IDINEKLARA  ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa  Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.     Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng  bamboo plant at produkto nito.     “I, Rodrigo […]