• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilot face-to-face classes sa pribadong eskuwelahan, nakatakda sa Nobyembre 22 —Briones

NAKATAKDA nang simulan ang pilot run ng face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan sa darating na Nobyembre 22.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na target ng departamento na isama ang 20 private schools kabilang na ang international academic institutions.

 

“Ang formal na [umpisa ng face-to-face classes] ay Nov. 15 [for the public schools], 22 for the private schools,” ayon kay Briones.

 

Mula sa inisyal na 100 public schools na magpapartisipa sa pilot run, hiniling ni Briones na 20 private schools ang idaragdag na inaprubahan ng Department of Health.

 

Sinabi ni Briones, tanging isa lamang na international school ang nagsumite ng kanilang plano para sa face-to-face classes sa DepEd, na rerebisahin din ng Department of Health. (Daris Jose)

Other News
  • LGUs sa NCR nagkasundo na magtulungan na bakunahan ang residente ng bawat isa

    NAPAGKASUNDUAN ng local government units sa National Capital Region (NCR) na magtulungan sa pagbabakuna ng mga residente ng bawat isa.   Sa virtual press briefing ni Presidentia spokespeerson Harry Roque, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na kailangan lamang na ang COVID-19 vaccine recipients ay magtakda muna ng kanyang iskedyul at […]

  • Tuloy ang selebrasyon sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo

    NAGPAHIWATIG ang isang Pari na tuloy ang selebrasyon pero hindi katulad ng tradisyon na ginagawa.   Ito ang inihayag ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong kaugnay sa nalalapit na pagditriwang ng Kapistahan ng Quiapo.   Ayon kay Fr. Badong, maaring hindi matuloy ang tradisyunal na Traslacion ngunit mayroon silang plano upang sa gayon […]

  • Pinoy Olympian EJ Obiena nasungkit ang SEA Games record sa pole vault at nakamit ang gold medal

    BINASAG ngayon ng Pinoy Olympian na si EJ Obiena ang SEA Games record sa pole vault matapos masungkit niya ang gold medal at matagumpay na madepensahan ang kanyang korona.     Si Obiena na ranked 5th sa buong mundo sa pole vault ay nagtala ng SEA Games record makaraang malampasan niya ang 5.46m sa nagpapatuloy […]