• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.

 

 

Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila Bay sa mga nakalipas na araw sa harap ng COVID-19 pandemic.

 

 

Aminado si Galvez na mayroong lapses, at tanggap nila ito, pero naniniwala rin siyang iwawasto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sitwasyon sa dolomite beach.

 

 

Sa pagdagsa ng maraming tao sa naturang lugar, makikita na talaga aniya ang eagerness ng tao na lumabas na sa harap ng napakahabang quarantine restrictions dulot ng pandemya.

 

 

Gayunman, nakikita naman na “motivation” ni Galvez sa panig ng pamahalaan ang pangyayari sa dolomite bech para mapabilis na talaga ang pagbabakuna. (Gene Adsuara)

Other News
  • PNP handa sa posibilidad na extension ng ECQ

    Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na  nakahanda sila sakaling palawigin pa ang  implementasyon ng  enhanced community quarantine sa Metro Manila.     Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar,  ipinatutupad lamang nila ang  mga rekomendasyon kung ano ang iutos ng national government at health experts.     Aniya, ang  mga Metro Manila mayors  at […]

  • Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualiiers

    Sa kabila ng batang lineup, asahan ang isang palabang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na aarangkada bukas sa Manama, Bahrain.   Bahagi ng program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magpadala ng batang lineup sa mga international tournaments.   At naniniwala ang lahat na hindi bibiguin ng Gilas Pilipinas ang buong sambayanan […]

  • Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas

    TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate.   Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa.   Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas […]