• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualiiers

Sa kabila ng batang lineup, asahan ang isang palabang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na aarangkada bukas sa Manama, Bahrain.

 

Bahagi ng program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magpadala ng batang lineup sa mga international tournaments.

 

At naniniwala ang lahat na hindi bibiguin ng Gilas Pilipinas ang buong sambayanan dahil inaasahang lalabas ang bangis nito laban sa Thailand.

 

“Everybody is raring to go. Mga bata eh so I guess the energy, the passion of the youth. Tab (Baldwin) was saying it’s very inspiring to see these young men carry our flag in such a very unusual period of tournaments,” ani SBP president Al Panlilio.

 

Sa katunayan, isa ito sa pinakabatang lineup ng Gilas Pilipinas sa isang Asian-level tournament.

 

Subalit hindi ito basta-bastang Gilas Pilipinas dahil gigil ang bawat mi­yembro nito na patunayan ang kanilang kakayahan.

 

Pinakabeterano sina Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez de Liaño, Kobe Paras at Dwight Ramos dahil dati na silang naging bahagi ng Gilas Pilipinas.

 

Kaya naman ibinahagi ng apat ang magandang karanasang kanilang natutunan sa Gilas Pilipinas sa kanilang mga bagong katropa.

 

Makakasama ng limang beterano ang baguhang sina Mike Nieto, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana at Kemark Carino.

 

Baguhan sa international competition ngunit malalim ang kanilang karanasang natutunan sa college teams na inaasahang dala ng bawat isa sa qualifiers.

Other News
  • Ads June 12, 2024

  • Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

    Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.     Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department […]

  • Nagtahan exit ramps ng Skyway 3 binuksan

    Binuksan noong nakarang Huwebes ng San Miguel Corp. (SMC) ang Nagtahan northbound at southbound exit ramps ng elevated Skyway Stage 3.     Sa pamamigitan ng northbound at southbound exit ramps ang mga motorista ay maaari ng dumaan papuntang Sta. Mesa at iba pang lugar deretso na sa Manila.     Ayon kay SMC president […]