• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Welcome kay PDu30, paglagda sa PH-Korea free trade pact

WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglagda sa Philippines-Republic of Korea (ROK) free trade agreement, araw ng Martes, Oktubre 26.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 22nd ASEAN-ROK Summit, sinabi nito na ang trade pact ay “needed for our economies to recover and bounce back,” malinaw na tumutukoy ito sa mga epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Itinulak din ng Chief Executive ang full implementation ng ASEAN-Korea free trade agreement at maagang pagpasok sa puwersa ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement.

 

Ang ASEAN-ROK Summit ay isa lamang sa mga pagpupulong sa nagpapatuloy na 38th at 39th ASEAN Summits and Related Summits, na ang tumayong host ay ang bansang Brunei.

 

Dumalo ang Pangulo sa high-level meetings virtually sa pamamagitan ng video conference.

 

Sa naging pahayag naman ng Pangulo sa 38th ASEAN Summit, binigyang diin nito ang “road to recovery” ng ASEAN mula sa COVID-19 ay matagal at mahirap habang ang rehiyon ay nananatiling hilong-talilong mula sa epekto ng pandemiya.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, kailangang tiyakin ng ASEAN ang ” phased and comprehensive implementation” ng comprehensive recovery framework ng regional bloc.

 

Nanawagan din ang Pangulo para sa agarang pagtatatag ng ASEAN Centre on Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

 

Ito ang huling ASEAN Summit na dadaluhan ji Pangulong Duterte bago siya bumaba sa puwesto sa Hunyo 30, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]

  • OBRERO SUGATAN SA PULIS

    SUGATAN ang isang 27-anyos na construction worker matapos makipagbarilan sa pulis na sumita sa kanya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ang suspek na si Kenneth Bryan Gelito ng 2938 A. Bonifacio St. Pag-asa, Brgy. 175.   Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, naganap ang insidente alas-9:20 ng gabi sa kahabaan […]

  • Sunog sa Paco, Maynila: 1 patay

    Isang babae ang nasawi nang maipit sa kaniyang nagliliyab na bahay sa sunog na naganap isang residential area sa Paco, Maynila dulot umano ng napabayaang rice cooker, kahapon ng madaling araw.   Inisyal na kinilala ang nasawi na si Loida Reyes Delayman, 54, ng Interior 29 Gomez Street, Brgy. 823 Paco, ng naturang lungsod.  Isa […]