• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ina, nalunod, natagpuang patay

PATAY na nang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mag-ina matapos malunod sa Larbeco River, Barangay Limo-ok, Lamitan, Basilan kamakalawa ng kagabi.

 

Ayon sa PCG, nagpunta ang mag-ina na si Lyn Mallari at isang taong gulang niyang anak sa ilog nang hindi inaasahang lumakas ang alon na nagresulta ng kanilang pagkalunod.

 

Agad na narekober ang katawan ng ginang makalipas ang ilang sandali matapos ang insidente habang kaninang umaga lamang natagpuan ang katawan ng kanyang anak.

 

Pinangalagaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Lamitan City ang mga katawan ng mag-ina, habang patuloy ang koordinasyon sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pagpapawalang bisa sa minor moratorium kinondena ng Obispo

    Kinondena ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagpapatigil ng pamahalaan sa siyam na taong moratoryo sa pagmimina.     Ayon kay Bishop Pabillo, hindi naaangkop ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lalo lamang itong magpapalala sa iba’t ibang kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran.     Dagdag pa ng Obispo na maaaring […]

  • DSWD at DILG inatasan ni PDU30 na pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda sa 1 LGU

    INALIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Local Government Unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid sa nasasakupan nito dahil sa kakulangan sa organisasyon.   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Govenment (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]

  • Simplehan ang pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya at local government units (LGUs) na simplehan lamang ang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.   Sinabi nito na inabisuhan na niya ang mga ahensiya at LGUs na iwasan na ang pagkakaantala o delay.   “What I would like to happen is this: Simplify the giving […]