• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng gasolina sisirit uli; diesel, kerosene may katiting na rollback

Panibagong bigtime price hike ang ipatutupad ngayong araw ng mga lokal na kumpanya ng langis sa presyo ng gasolina na ika-10 sunod na linggo na ng pagtaas.

 

 

Samantala may kaunting rollback naman sa mga produktong diesel at kerosene.

 

 

Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng P1.15 dagdag sa kada litro ng unleaded gasoline habang rollback na P0.35 naman sa diesel at P0.30 rollback din sa kerosene pagsapit ng alas 12:01 ng madaling araw.

 

 

Gayundin ang dagdag presyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines, subalit magsisimula ito alas 6:00 ng umaga ng Martes.

 

 

Sumunod din sa nasabing presyuhan ang mga small players. (Gene Adsuara)

Other News
  • Dalawang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3, tinalakay

    Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho.   Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, […]

  • Sa kabila ng bashing na natatanggap: BOOBAY at SUPER TEKLA, nagkuwento kung papaano sila tinulungan ni PAOLO

    NOONG magbalik-trabaho na si Winwyn Marquez, inamin nito na nag-struggle siya sa pagbalanse sa kanyang pagiging ina at sa hectic schedule niya sa showbiz.      Pero habang hinahanap daw niya ang balanseng iyon, unti-unti raw na nasasanay ang katawan at utak niya. Aminado si Winwyn na hindi madali ang maging isang working parent, pero […]

  • Drug-free workplace isinusulong sa Navotas

    KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance.     Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog […]