• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, dadalo sa virtual APEC sa Nobyembre

INAASAHANG dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Nobyembre 12.

 

Ang bansang New Zealand ang magho-host ng nasabing event.

 

“Inaasahang dadalo via video conferencing ang Pangulo sa Asia Pacific Economic Cooperation or APEC sa Nov. 12,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Inaasahan na dadalo ang Chief Executive sa lahat ng APEC opening at closing ceremonies, “the Global Economic Outlook: Presentation by the International Monetary Fund; Recovering from Covid-19 Build Prosperity for All our People and Future Generations; and the Handover ng APEC chairing to Thailand.”

 

Ang APEC ay isang regional economic forum na itinatag noong 1989 na naglalayong lumikha ng “greater prosperity” para sa mga tao sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpo-promote ng “balanced, inclusive, sustainable, innovative and secure growth” at pag-arangkada sa regional economic integration, ayon sa kanilang official website.

 

Ang 21 member economies ng APEC ay Australia; Brunei Darussalam; Canada; Chile; People’s Republic of China; Hong Kong, China; Indonesia; Japan; Republic of Korea; Malaysia; Mexico; New Zealand; Papua New Guinea; Peru; The Philippines; The Russian Federation; Singapore; Chinese Taipei; Thailand; United States of America; Viet Nam.

 

Ang New Zealand ang kauna-unahang economy na magho- host ng buong virtual host year ng APEC.

 

Noong Hunyo, ang gobyerno ng New Zealand ay nag-anunsyo na sila na ang gagawa ng hakbang para sa digital event para makapagbigay ng kasiguraduhan na magaganap ang nasabing event.

 

Sinabi ni APEC New Zealand Deputy Secretary Andrea Smith na ang global disruption dahil sa Covid-19 at nagresulta ng border restrictions ay mga pangunahing dahilan sa naging desisyon na gawing virtual ang naturang event.

 

Ang event ay inaasahan na magbubuklod at magpapahusay sa rules o alituntunin para sa international trade and investment.

 

“Hosting APEC in 2021 is a really important opportunity for New Zealand to be at the leading edge of shaping the agenda of the Asia Pacific,” ayon kay Smith.

 

Aniya, ang hakbang ay makatutulong para matiyak na ang trabahong ginawa ng APEC sa pamamagitan ng pagho-host ng New Zealand ay “very much able to contribute” sa economic recovery ng rehiyon.

 

“Traditionally, hundreds of APEC events are hosted over 12 months, culminating in the APEC leaders’ meeting,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • Adik na mister kinasuhan, misis kinatay

    HINDI umobra ang kasong isinampa ng misis sa kanyang mister na umano’y adik matapos tuluyan itong patahimikin nang pagsasaksakin ito sa loob ng kanilang silid, iniulat kahapon (Miyerkules) ng umaga sa lalawigan ng Pangasinan.   Kinilala ang biktimang si Jennelyn Qumiang habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reynaldo Catungal Loresco, at kapwa residente […]

  • Tennis star Kei Nishikori, umatras sa US Open tune-up matapos dapuan ng COVID-19

    Inanunsyo ni Japanese tennis star Kei Nishikori na umurong na ito sa lalahukan sanang tune-up tournament sa New York makaraang magpositibo sa COVID-19.   Ito’y dalawang linggo bago magsimula ang US Open sa Agosto 31.   Ayon sa dating world No. 4, nananatili ito ngayon sa IMG Academy sa Bradenton, Florida, at hindi na rin […]

  • BARBIE, nakikipagsabayan sa veteran actresses na sina BOOTS, SUNSHINE at MARICEL; sayang lang at ‘di kasama si JAK sa serye

    BIG surprise pala kay Geneva Cruz nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang bago nilang Afternoon Prime na Little Princess na ginagampanan ni Kapuso actress Jo Berry.           “Nagulat ako kasi nga matagal na akong hindi umaarte. Dahil I chose to focus on singing in concerts and live shows,” sabi ni Geneva. […]