Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors
- Published on November 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City.
Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat muli ng kinatatakutang sakit na COVID-19.
Ani Abalos, naiintindihan naman njya ang kalagayan ng mga vendors na matagal na nawalan ng kita dahil sa dalawang taon na pandemya.
Iyon nga lamang ang kanyang apela sa mga street vendors ay huwag namang sakupin ang kalsada na para sa mga motorista at pedestrian.
Dahil dito, ipinag-utos ni Abalos ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang pagbabantay sa mga illegal vendors sa Baclaran subalit iniutos din ng opisyal na huwag kukunin ang mga paninda ng mga street vendors for humanitarian reason dahil narin sa alam ng MMDA Chairman na apektado rin sila sa krisis dulot ng pandemya.
At dahil sa nalalapit na ang Pasko, giit ni Abalos ay naiintindihan niya ang kalagayan ng mga street vendors na kailangan kumita ngunit kinakailangan aniya na may disiplina sa lansangan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 para maging maayos at masaya ang lahat sa araw ng Pasko. (Daris Jose)
-
193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na
Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility. Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11 Lunes. Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay […]
-
Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal
HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa. “Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. […]
-
P6-B halaga ng ibat-ibang uri ng droga winasak ng PDEA
AABOT sa halahang P6,245,761,574 ng ibat-ibang urI ng droga ang winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang intergraded waste management facility sa Trece Martires Cavite kahapon. Sa impormasyon na ibinigay ni PDEA PIO chief Dir. Derrick Arnold Carreon ito ay utos ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na ang mula naman mismo […]