• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, target na maiturok ang 1M jabs kada araw simula Nobyembre 20

TARGET ng national government na maiturok ang isang milyon hanggang 1.5 milyon ng COVID-19 vaccine doses sa isang araw simula Nobyembre 20.

 

Ayon kay Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules na target ng gobyerno na maiturok ang 15 milyong doses ng COVID-19 vaccines bago matapos ang Nobyembre.

 

Para makamit ang target, sinabi ni Galvez na kailangan ang karagdagang vaccination sites, utilizing malls, universities, schools, gyms, camps at function halls ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

 

Ang mga hospital healthcare workers ay kailangan na mabigyan ng booster shots bago matapos ang buwan.

 

May ilang rehiyon, kabilang na Regions IV-A at III, ang dapat na 50% vaccination rate bago matapos ang buwang kasalukuyan. (Daris Jose)

Other News
  • Galvez, umapela sa publiko na pagkatiwalaan ang bakuna na bibilhin ng Pilipinas

    UMAPELA si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang COVID-19 vaccines dahil ang bibilhin naman ng Pilipinas na bakuna ay ligtas at epektibo.   “Magtiwala po tayo na ang mga bakunang darating ay daraan sa stringent evaluation ng vaccine experts panel at ng FDA (Food and Drug Administration). Lahat po ng vaccine […]

  • Petecio, Paalam swak sa Summer Olympic Games

    TUMAAS na sa anim ang mga magiging pambato ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ginambala ng Covid-19 kaya naurong sa parating na Huly 23-Agosto 8 sa pagkakapasok na rin nina women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam bunsod sa mataas na world rankings.     Ipinaaalam […]

  • Ads January 23, 2024