Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila.
Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga negosyo para makabawi at muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.
“Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating ekonomiya,” pahayag ni Marcos.
Matatandaan na pumalo na sa 8.9 percent ang unemployment rate sa bansa nitong Setyembre 2021, at ito ang itinuturing na pinakamataas ngayong taon.
“Umaasa tayo na marami pang negosyo ang magbubukas dahil sa maluwag na alert status at mas marami ang lumalabas na tao para tangkilikin ang mga negosyo,” dagdag ni Marcos
Kasabay nito, nanawagan naman si Marcos sa publiko na tuluy-tuloy pa rin ang pagsunod sa mga health protocols sa kabila nang pagluluwag ng alert status sa bansa.
Ayon sa kanya, hindi rin dapat magpakampante ang publiko kahit na patuloy na bumababa ang mga bilang ng tinatamaan ng Covid-19.
Nanawagan din si Marcos na patuloy pang palakasin ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa publiko dahil ito ang pinakamabisang sandata para mapuksa ang virus.
-
Ilang palaro maari sa bansa – Jaworski
KUMPIYANSA si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapagtaguyod ng mas malalaking torneo, malaki pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019. “Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games […]
-
2 KABABAIHAN SA HUMAN TRAFFICKING HINATULAN NG HABANGBUHAY
HINATULAN na ng korte ang dalawang kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking. Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta.Cruz, Laguna Family Court Branch 6 . Taong 2019 nang maaresto ng […]
-
Construction worker timbog sa P.2M shabu sa Valenzuela
KULONG ang 50-anyos na construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halalaga ng hinihinalang shabu makaraang matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na […]