• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS

NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.

 

 

Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso.

 

 

“Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of active cases this week. And the Navoteños delivered!” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“OCTA Research has also classified Navotas as ‘very low risk.’ We congratulate and thank each Navoteño, especially our frontliners, for doing their utmost to help keep our city safe from COVID,” dagdag niya.

 

 

“Ang importante po ay wag tayong magpabaya para hindi masayang ang sakripisyo ng lahat. Pakiusap ko po na magkaisa tayong lahat. Lalo pa nating ingatan ang ating sarili para bumaba na nang todo ang mga kaso at di na mabigyan ng pagkakataon na tumaas ito ulit, na siyang magpapahirap na naman sa buhay nating lahat. Bigay todo na tayo sa pag-iingat sa sarili para matapos na ang pandemya,” sabi pa niya.

 

 

Hinikayat din ni Tiangco ang mga Navoteño na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Nagbukas ang Navotas ng tatlong site para sa pediatric vaccination. Kailangang magtakda ang magpapabakuna ng appointment sa pamamagitan ng https://covax.navotas.gov.ph/ at pumili sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School, o Tumana Health Center bilang kanilang vaccination site. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang agarang pagbabawal o ban laban sa lahat ng POGO Operations sa Pinas

    TINUKOY ang panganib na dala ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, pagpapatupad ng agarang pagbabawal sa offshore at internet gaming sa bansa.     Sa ipinalabas na EO 74, sinabi ni Pangulong Marcos na “the State has the paramount […]

  • BIYUDA NI KOBE BRYANT, DUROG ANG PUSO

    NADUDUROG ngayon ang puso ng biyuda ni NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa matapos malaman ang report na may mga deputy na nagpapakalat ng mga larawan sa pinangyarihan ng helicopter crash kung saan nasawi ang kanyang mister at 13-year old nilang anak na si Gianna, at pitong iba pa.   Pahayag ito ng abugado […]

  • SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’

    PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic.     Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM.     “Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward […]