• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cash incentives naibigay na ng SMC sa mga Olympic medalists boxers

Personal na iginawad ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang mga cash incentives sa mga Tokyo Olympic medalist boxers na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.

 

 

Nakatanggap ng P2 milyon si bronze medalist boxer Marcial habang tig-P5 milyon naman sina silver medalist Carlo Paalam at Petecio.

 

 

Nangako rin si Ang na bibigyan ang tatlong boksingero ng negosyo na kanilang kagustuhan mula sa SMC na itatayo sa kanilang probinsiya.

 

 

Mula sa Zamboanga City kasi si Marcial habang sa Cagayan de Oro si Paalam at Davao del Sur naman si Petecio.

 

 

Magugunitang nauna ng binigyan ng P10 milyon bilang incentive mula sa SMC si weightlifter Hidilyn Diaz na nakakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics.

Other News
  • Miyembro ng ‘Parojinog Group’, timbog sa Valenzuela

    NALAMBAT ng pulisya ang isang wanted person na miyembro ng ‘Parojinog Group’ matapos matunton sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang […]

  • MGA NAGPAREHISTRO SA ELEKSIYON 2021, UMABOT SA HALOS P3M

    UMABOT na sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2022.     Ayon sa Comelec, simula ito noong nakalipas na taon nang ibalik ang pagpapatala sa gitna ng pandemya hanggang nitong Mayo 15.     Sa inilabas na datosĀ  ng Comelec, pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang […]

  • Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

    NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]