• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 Valenzuelano Centenarians nakatanggap ng cash incentives

SIYAM na centenarian na kinakatawan ng kanilang mga kamag-anak ang nakatanggap ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lokal ng Valenzuela bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay na nakaukit sa kasaysayan ng Lungsod.

 

 

Ang lokal na pamahalaan ay namimigay ng cash incentives sa mga centenarian na residente ng lungsod mula noong 2016 sa bisa ng Ordinance No. 300 o ang “Centenarian Ordinance of Valenzuela City”. Mula sa P20,000 bawat isa, itinaas ito ng Lungsod sa P50,000 noong nakaraang taon alinsunod sa pag-amyenda sa Ordinance No. 652.

 

 

Ang cash incentive na ito ay iba sa insentibong natatanggap ng mga centenarian mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan makakakuha din sila ng P100,000 bawat isa base sa Centenarians Act of 2016.

 

 

Maliban sa PhP 50,000 cash incentive, makakatanggap din ang mga centenarian ng food packs at vitamins mula sa Alliance of Senior Citizens of Valenzuela City.

 

 

Sa siyam na centenarians, dalawa na ang pumanaw ngayong taon ngunit nakatanggap pa rin ng kanilang cash incentives dahil qualified pa rin sila at maaaring gawaran ng posthumously. Batay sa tala ng lungsod, mayroon itong pitong buhay na centenarians – tig-isa mula sa Barangay Coloong, Wawang Pulo, Mapulang Lupa, Malinta, at Ugong, at dalawa mula sa Barangay Karuhatan.

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Mayor REX Gatchalian ang mga kaanak ng mga benepisyaryo, gayundin ang bawat Valenzuelano, na pabakunahan ang mga senior citizen laban sa COVID-19 para sila ay maprotektahan dahil sila ay madaling mahawaan ng virus.

 

 

“I send my regards to our dear centenarians at home… Let this cash incentive from your city government help you sustain your needs as you further reach your golden years. You are a part of Valenzuela City’s history and this incentive is our way of saying ‘thank you’ as we celebrate your life here in Valenzuela City,” ani Mayor REX. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines

    SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.   ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing.   Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap […]

  • Anak nina JOHN LLOYD at ELLEN, ‘di na tinatago at kampante na kay DEREK

    KUNG gaano halos itinatago noon ang mukha ni Elias, ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa social media, ngayon  ay out na out na ito sa mga video ni Ellen.     Maging si Derek Ramsay ay nagpo-post ng video na kasama sina Ellen at anak nito. Nakahiga sila sa kama, nakagitna si […]

  • PDU30, bababa sa pwesto na pinaka-popular na pangulo – Publicus Asia Survey

    75% NA approval rating ang nakuha ni Pang. Rodrigo Duterte batay sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.     Sa isinagawang survey ng Publicus Asia sa 1,500 respondents mula June 16-22 taong kasalukuyan, lumalabas na 75% sa kanila ay ‘approve’ o ‘strongly approve’ sa performance ni Pang. Duterte sa nakalipas na halos 6 na taong […]