• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JERIC, aminadong malaking pressure na mapiling bida sa movie ni Direk LOUIE kaya dapat lang na galingan

NANINIWALA si Engr. Benjamin Austria, the man behind BenTria Productions, na panahon na para ilunsad si Jeric Gonzales in a solo movie kaya ito ang napili niyang magbida sa Broken Blooms.

 

 

Naniniwala ang newbie producer sa kakayahan ni Jeric bilang isang actor kaya first choice ang binata to play the lead in Broken Blooms, written by Ralston Jover and to be directed by Louie Ignacio.

 

 

Nakita raw niya na may potential si Jeric as an actor at agree siya sa decision ni Direk Louie na sa binata ipagkatiwala ang role.

 

 

Pangarap ni Engr. Austria na makapag-produce ng pelikula at nagustuhan niya ang script written by Ralston Jover kaya ito ang napili niya para maging maiden offering ng kanyang production outfit.

 

 

Ayon naman kay Jeric, may pressure siyang nadarama dahil mga award-winning actors ang kasama niya sa Broken Blooms. Pero gusto raw niyang gamitin na motivation ang pressure na ito para pagbutihan ang kanyang acting sa movie, lalo na’t biggest break niya ito as an actor.

 

 

Willing siya gawin kahit na anong eksena ang ipagawa sa kanya basta sa ikakaganda ng pelikula. May tiwala naman siya kay Direk Louie na gagabayan siya nito to come up with a good performance.

 

 

As an added pressure for Jeric, lahat ng artistang nakakatrabaho ni Direk Louie ay nanalo ng award sa festivals abroad. Siyempre dream ni Jeric na maging award-winning actor din.

 

 

Sabi nga ni Direk Louie, “Panahon mo na, Jeric. Para sa ‘yo ito. Galingan mo.”

 

 

***

 

 

COMEBACK movie ni Teri Malvar ang Broken Blooms.

 

 

Siya ang gaganap na na asawa ni Jeric Gonzales sa pelikula na ididirek ni Louie Ignacio.

 

 

First time ni Teri na gaganap na isang young wife. Pero ka-age siya ng karakter na ginagampanan niya.

 

 

“Very adult ang role ko kaya medyo naninibago pa ako. Kaya need namin na mag-bonding ni Jeric para maging maayos ang mga scenes namin together,” pahayag ni Teri.

 

 

Suwerte si Teri sa mga movies niya under Direk Louie. Nanalo siya ng awards for School Service. Kaya naman excited siya to work with Direk Louie sa kanilang reunion project.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Tax-exempt shopping purchase ng returning OFW’s at mga balikbayan, gawing $6,000

    NAIS  ng isang mambabatas na maitaas sa $6,000 ang tax exemption ng mga overseas Filipino workers at mga balikbayan kapag mamimili o magsa-shopping sa mga duty free shop na pinapangasiwaan ng Department of Tourism.     Sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa House bill 647 na panahon na para i-upgade ang benepisyo ng […]

  • Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, nagiging mabusisi

    SINABI ng gobyerno na lawyer to lawyer ang magiging transaksiyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez , itoy dahil na rin sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification.   Sa kasalukuyan ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring […]

  • Jersey ni Jordan nabili sa auction ng $1.38-M

    Naibenta sa $1.38 milyon sa isang auction ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan.     Ayon sa Heritage Auction nabili ang jersey na suot ng dating Chicago Bulls star noong 1982-83 season ng University of North Carolina.     Isinuot din ito ni Jordan ang number 23 Tar Heels jersey noong maging […]