• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling ipatupad at pairalin ang polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque magpapalabas naman ang IATF ng final na desisyon sa usaping ito ng paggamit ng face shield.

 

 

“Sa Huwebes naman po iyan pag-uusapan. Dalawang tulog na lang po iyan, puwede na po tayong makaantay,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Kaya ang panawagan ni Sec. Roque sa mga alkalde ng Metro Manila ay huwag magkanya-kanya at pairalin muna o ipatupad ang polisiya ng IATF sa paggamit ng face shield.

 

“Iyan nga po ang aking sinasabi, kapag nagkanya-kanya tayo eh mawawala po iyong ating tinatawag na kumbaga iyong ultimate executive power na ini-exercise po ng Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Lahat naman ng lokal ng pamahalaan ay kabahagi  ng executive branch of government. So sa akin, kung ayaw niya talagang sumunod, siguro pagpapakita lang ng respeto sa proseso dahil pinakikinggan nama ang boses ng lahat,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, muling ipinaubaya ng Malakanyang sa DILG ang naging hamon naman ni Mayor Isko sa gobyerno na magtungo ng korte kung pipilitin nilang i-reimpose ang isang kontrobersyal na anti-pandemic policy na sa Pilipinas lang ipinatutupad sa buong mundo.

 

“Sa mula’t mula po hurisdiksiyon po iyan ng DILG,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, hinamon ni Domagoso ang national government na magtungo ng korte kung pipilitin nilang i-reimpose ang isang kontrobersyal na anti-pandemic policy na sa Pilipinas lang ipinatutupad sa buong mundo.

 

Sinabi ito ni Domagoso matapos banggitin ng Malacañang na DILG na ang bahala sa parusa ng alkalde sa pagtatanggal ng face shield requirement sa kanilang lungsod maliban sa medical setting. Wala pa kasing IATF resolution dito.

 

If they are not happy, they can go to court and ask for declaratory relief… Our decision [to remove the face shield policy outside medical facilities] will stay,” wika ni Domagoso.

 

“‘Yung hiling lang naman ng tao ang aming dinidinig.”aniya pa rin.

 

Habang pinag-uusapan pa ng mga eksperto at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang magiging kapalaran ng paggamit ng naturang protective equipment, required pa rin kasi ang lahat na suotin ito sa ibabaw ng face mask sa lahat ng  lahat ng “crowded,” “closed” at “close contact” (3Cs) areas. Gayunpaman, pwede na itong hindi suotin sa iba pang public areas.

 

Dahil dito, inilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque na “violation” ito ng isang “existing executive policy” na iniutos mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng police powers sa gitna ng COVID-19 crisis. May chain of command daw na dapat sundin ang mga city mayors kaysa magpatupad ng polisiyang mas maluwag sa ipinatutupad sa buong bansa. Kaso, hindi bumenta ang paliwanag na ‘yan kay Domagoso.

 

“When we speak of chain of command, it speaks of military. We are not uniformed personnel,” dagdag ng actor-turned-mayor kanina.

 

“Control is the power to reverse, supervise is the power to oversee… He (Duterte] has no control over the mayor. He has the power of supervision.”

 

Ilan sa mga gustong tugunan ni Domagoso sa pagpapatupad ng kanyang executive order 42 ay ang pagbawas sa araw-araw na gastusin ng kanyang mga nasasakupan. Matagal na rin kasing kwinekwestyon nang marami ang bisa ang face shields laban sa COVID-19.

 

Gayunpaman, dapat pa rin daw magsuot ng face masks at pagtuunan ng gobyerno ang pagbili ng mga gamot gaya ng Tocilizumab at Remdesivir laban sa COVID-19. Nangyayari itong lahat ngayong inirerekomenda na rin ng 17 mayors ng Metro Manila sa IATF na panatilihin na lang ang mandatory face shields sa mga ospital, pampublikong transportasyon atbp. “critical areas” habang bumababa ang mga kaso. (Daris Jose)

Other News
  • Federer nabigo sa quarterfinals ng Wimbledon

    Natapos na ang kampanya sa Wimbledon ni Swiss tennis star Roger Federer.     Ito ay matapos na talunin siya ni world number 18 Huber Hurkacz sa quarterfinal ng nasabing torneo.     Nakuha ng 24-anyos na Polish tennis star ang score na 6-3, 7-6(7-4) at 6-0.     Ito rin ang unang pagkakataon ni […]

  • Pagkumpiska ng driver’s license sa Metro Manila, suspendido muna

    PANSAMANTALA munang suspendido ang pagkumpiska ng driver’s license sa National Capital Region (NCR) habang binubuo pa ang ipinapanukalang single ticketing system sa rehiyon.     Ito umano ang napagkasunduan ng 17 mayors ng Metro Manila kasunod na rin ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na […]

  • Balitang ila-lockdown ang MM ngayong holiday season, fake news

    MULING PINABULAANAN ng Malakanyang na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila (MM) na may 12 milyong katao sa panahon ng Pasko at Bagong Taon para mapigil ang pagkalat ng Covid -19.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga walang hiya lamang na gustong siraan ang Pasko dahil nagpapakalat ng pekeng balitang ito. “Fake news […]