• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mental health helplines para sa mga estudyante at guro, inilunsad ng DepEd

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang helpline system para sa mga estudyante at ilang school personnel upang matugunan ang kanilang mga mental health concerns.

 

 

Katuwang ng kagawaran ang Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS) sa paglulunsad ng mental health helpline system na naglalayon na masuportahan ang mga mag-aaral, guro at ang publiko sa oras ng kanilang mental at psychological distress.

 

 

Ayon kay Deped Sec. Leonor Briones, priority ng kanilang kagawaran ang ma-promote at maprotektahan ang mental health at general welfare ng kanilang mga nasasakupan lalo na sa panahon ngayon kung saan ay kumakaharap ang bansa sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic. Dagdag naman ni DRRMS Director Ronilda Co, ang mga nasabing helplines ay makapagbibigay ng mental health at psychosocial support services sa mga kabataan at iba pang nasasakupan ng Deped.

 

 

Narito ang mga sumusunod na helpline numbers ng mga organisasyon na maaring tawagan:

 

• Circle of Hope Community Services, Inc. : ‎(+63) 917 882 2324, ‎(+63) 908 891 5850, ‎(+63) 925 557 0888

• Hopeline PH: ‎(02) 8804 46 73, ‎(+63) 917 558 4673, ‎(+63) 918 873 4673, Globe/TM toll-fee 2919

• The 700 Club Asia: ‎(+63) 949 889 8138, ‎(+63) 943 706 7633, ‎(+63) 0943 145 4815, ‎(+63) 917 836 1513, ‎02 8737 0700, ‎1-800-1-1888-8700

 

 

Naglaan na din ng mga posters na may kumpletong listahan ng contact informations at helplines ang kagawaran sa iba’t ibang mga tanggapan nito.

 

 

Maaari rin makita ang mga ito online sa official Facebook page at website ng Department of Education.

 

 

Ia-update naman ng kagawaran ang lahat ng numero ng helpline tuwing Marso at Oktubre ng taon.

 

 

Ang nasabing issuance ng mga mental health helplines ay bilang pagtugon sa probisyon ng Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) sa DepEd Order No. 14, s. 2020 o ang ‘Guidance on the Required Health Standards in Basic Education Offices and Schools.

Other News
  • Itatagal volcanic smog mula sa Bulkang Taal, hindi pa matukoy – PHIVOLCS

    HINDI pa matukoy sa ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kung hanggang kailan magtatagal ang nararanasan volcanic smog mula sa Bulkang Taal.     Ayon sa PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy ang pagbubuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay magtutuluy-tuloy din ang nararanasang vog sa ilang bahagi ng Luzon.     Ayon sa ahensya, […]

  • JASMINE, damay sa kabastusan at kawalang respeto kay VP Leni

    DAMAY ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith sa mga tina-tag at mine-mention ng netizens dahil boyfriend niya ang Department of Tourism-Ilocos Region na si Jeff Ortega.   Sa isang event ng tourism kasi kunsaan, present ang dat- ing Senator na si Bongbong Marcos, ipinakilala ito ni Jeff bilang former Senator and Vice President Bongbong […]

  • MEET THE CHARACTERS OF “BARBIE” IN THEIR OWN POSTERS

    Barbies, Kens, humans – check out the characters of “Barbie,” led by Margot Robbie and Ryan Gosling. Don’t forget to watch “Barbie,” in cinemas July 19.   [Watch the trailer here: https://youtu.be/0ys75bumMT4]     About “BARBIE”   To live in Barbie Land is to be a perfect being in a perfect place. Unless you have […]