Recovery ng ekonomiya ng bansa, posible sa 2022 – Sec.Lopez
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
TIWALANG inihayag ni DTI secretary Ramon Lopez na sa taong 2022 ang panahon para makaahon at maka- recover ang ekonomiya ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Sec.Lopez na ang kailangan lang ay mahagip kahit sa panimula ng 2022 ang 4.8% GDP growth.
Sinabi ni Sec. Lopez na mula dito ay maaaring makamit ng bansa ang pre- pandemic economic status na pumalo sa 6.6 percent partikular nuong 2019 na kung saan, 2nd fastest growing economy ang Pilipinas sa South East Asia.
Samantala, sinabi pa rin ng Kalihim na posibleng umabot sa 5% growth ang ekonomiya ng bansa para sa buong 2021.
Tinatayang 5.3% na lang ani Sec. Lopez ang kakailanganin na maaaring makamit sa huling quarter ng 2021 para pumalo sa 5% ang growth rate ng bansa sa kabuuan ng taong ito.
Aniya pa, kakayanin naman ito lalo’t gumaganda na ang estado ng COVID 19 cases. (Daris Jose)
-
MATANDANG BINATA KULONG SA PANGMOMOLESTIYA SA 4 NA DALAGITA
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 54-anyos na binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa apat na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Lango pa sa alak si Danilo Garcia, walang trabaho at residente ng 37 Don Basilio Bautista Blvd. Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick […]
-
Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft
NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito. Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas […]
-
Bahagi ng paglilinaw: Gobyerno, nagdagdag ng mas maraming lungsod, bayan sa listahan na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang Hunyo 15
NAGPALABAS ang Malakanyang, araw ng Sabado ng “revised list of areas” sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level mula Hunyo 1 hanggang Hunyo15. Kabilang na rito ang mas maraming lungsod at munisipalidad mula sa ilang rehiyon. Sinabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan, araw ng Huwebes ng Inter-Agency Task […]