PBA, dodoblehin ang mga larong gagawing sa kanilang muling pagbabalik
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.
Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.
Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.
Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.
Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.
Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.
Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.
-
Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban
Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula. Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya. […]
-
Volunteers, contributors sa Paeng fund drive at relief operations, pinasalamatan ng Kamara
PINASALAMATAN ng Kamara ang mga miyembro nito, volunteers at pribadong grupo at indibidwal na tumulong sa ginanap na fund drive at relief operations para sa biktima ng bagyong Paeng. Nakapaloob ito sa House Resolution 531 na agad inaprubahan ng Kamara. Ang resolusyon ay inihain nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel […]
-
DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA
HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria. Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke. Napag-alaman na mismong ang Dagupan Outpost ng Moriones […]