• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año

MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.

 

Tinukoy nito ang nasa ilalim ng A2 (senior citizens), A3 (adults with comorbidities), at A4 (essential frontline personnel) categories.

 

Pinuri naman nito ang Kalakhang Maynila para sa mataas na vaccination rate habang kailangan namang humabol ng ibang rehiyon.

 

“Ang problema na lang natin sana paano makaka-adjust ‘yung mga ibang LGUs outside of Metro Manila kaya ‘yun ang aming nakatutok ngayon at sa pulong na ginanap with the governors and the mayors, nag-commit naman sila na dodoblehin nila ‘yung kanilang pagbabakuna at sisiguraduhin nila na tumaas ‘yung vaccination rate at makapag-prepare sa,” ayon kay Año.

 

Sa kabilang dako, umaasa naman ang pamahalaan na mapapataas ang pagbabakuna ng 1.5 milyon kada araw para makamit ang population protection bago matapos ang taon.

 

Sa three-day activity, target namang mabakunahan ang 5 milyong indibiduwal.

 

Tiniyak din ni Año ang full preparations sa pakikipag-ugnayan sa mga uniformed personnel upang maiwasan ang overcrowding, kabilang na ang vaccination sites, hiring ng mas maraming vaccinators, sasakyan na magpi-pick up sa mga bakuna at agarang pagde-deliver ng mga bakuna.

 

Nagsasagawa naman ang local chief executives ng mga miting sa DILG regional offices, Department of Health regional directors, kapulisan , at iba pang concerned parties.

 

“Day 1 will fall on a Monday that is why we are recommending that this be declared a holiday to allow everybody to focus on the vaccination and those going to be vaccinated will have no work,’’ ayon kay Año.

 

Aniya pa, ang mga lokalidad na may “poor performance sa kanilang pagbabakuna ay paunang mabibigyan ng tulong.

 

Ang mga LGUs na may satisfactory vaccination rates ay kikilalanin.

 

“There are also LGUs willing to provide assistance to adjacent neighboring localities that are having a difficult time in their vaccination drives,” ayon sa Kalihim.  (Daris Jose)

Other News
  • ‘Doctor Strange 2’ Poster Confirms Appearance of Marvel Zombies & Captain Carter

    MARVEL unveils the Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster confirming live-action zombies and Captain Carter will appear in the film.     The upcoming Marvel Cinematic Universe sequel takes place after the events of Spider-Man: No Way Home, WandaVision and Loki season 1 in which the titular sorcerer is continuing his research into the Time Stone and when the doors to […]

  • PBBM, mananatiling nakatuon ang pansin na mapababa ang presyo ng langis

    GINAGAWAN ng paraan ng administrasyong Marcos na mapababa ang presyo ng langis kahit pa ito’y para lamang sa Kapaskuhan. “Yun ang tinatrabaho namin ngayon, na hindi tumaas ang fuel. At least not for Christmas man lang — if we could postpone and dahan-dahanin,” ayon kay  Pangulong Marcos. “Masyado nang nahihirapan ang mga tao, ” diing […]

  • LTFRB hinamon ang grupo ng PUJs drivers na maghain ng formal na petisyon

    HINAMON ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR) na maghain ng pormal na petisyon ang hanay ng public utility jeepneys para sa hihiningi nilang P2 na fare hike.       Ayon sa LTFRB ang grupo ng PUJs ay nagpadala lamang ng sulat at hindi formal na petisyon kung saan sila ay naghihingi ng […]