• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’

AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto.

 

Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” na dapat matugunan ng mga lokal na pamahalaan para maabot nila ang pinaka-maluwag na antas ng community quarantine.

 

“Mayroon tayong gatekeeping indicators and we already have set targets and milestones.”

 

Kabilang sa mga ito ang epektibong surveillance system, contact tracing, pagsunod ng publiko sa minimum health standards at enforcement ng LGUs.

 

“Ang sabi namin, if only local government units will be able to achieve these gatekeeping indicators by the end of December, we have set that targeted milestone by the end of first quarter of next year, all LGUs hopefully will be at MGCQ stage.”

 

Hindi naman isinasantabi ni Vergeire ang mga naitatala pa ring kaso ng COVID-19 ngayon, pero kung magagawa raw abutin ng mga lokalidad ang indicators ay siguradong kaya na rin ng mga ito na pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang lugar.

 

Sa huling tala ng DOH, umaabot na sa 387,161 ang total ng COVID- 19 cases sa Pilipinas.

Other News
  • ORDINANSA ng QUEZON CITY TUNGKOL sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT

    Nag viral ang isang kaganapan sa Quezon City ng diumano ay pinaghuhuli ang mga pasahero sa pampasaherong bus dahil wala silang suot na faceshield. Pinababa daw ang mga ito at tinikitan at pinagmulta.  Depensa ng mga nanghuli ay may ordinansa ang QC – ordinance number 2965 – “mandating the wearing of face shield in public transport, workplace, […]

  • KRISTOFFER, tinira-tira ng ex-gf at pinagselosan daw si TAE HYUNG ng ‘BTS’

    HABANG nagra-rant sa Twitter ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa pagpapa-interview ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang 4-year old daughter na si AC Banzon, may sariling mga tweets din si AC tungkol sa ex-boyfriend.     Naka-lock na ang Twitter account ni AC, pero may nahanap kaming screenshots ng mga tweets niya […]

  • CARA, nabigyan na nang pagkakataong maipakita na kayang makipagsabayan sa pag-arte

    HATID ng Best Director ng Gawad Urian noong 2019 na si Denise O’Hara, ang isang nagbabagang adult drama na The Wife, na exclusive na mapapanood sa Vivamax ngayong February 11.     Pinagbibidahan ito ng mahusay na aktres na si Louise delos Reyes, kasama sina Diego Loyzaga at breakthrough star mula sa Pornstar 2, Hugas […]