• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapag naging Pangulo: Mayor ISKO, pipirmahan ang new franchise ng ABS-CBN ‘pag inaprubahan ng Kongreso

KUNG sakaling mag-apply muli ng franchise ang ABS-CBN at maaprubahan ito ng Kongreso, tiyak na pipirmahan ito ni Manila Mayor Isko Moreno if ever siya ang mahalal na susunod na pangulo ng bansa.

 

 

“Kasama sa priority ko ang mabigyan ng trabaho ang mga tao so if ever maaprubahan sa Kongreso ang bagong franchise ang ABS-CBN, I will sign it. Doing so means we are giving jobs to 11,000 people na nawalan ng trabaho,” wika ni Isko sa presscon ng film bio niyang Yorme: The Isko Domagoso Story na ginanap sa Max’s Scout Tuazon sa Quezon City.

 

 

Gusto rin ni Isko na suportahan ng gobyerno ang local entertainment industry para muli itong sumigla at maka-generate ng trabaho para sa mga workers na who lost their jobs during the pandemic.

 

 

“Maganda na tulungan ng gobyerno ang entertainment sector dahil isa itong malaking industry na pwedeng magbigay ng income sa ating lahat,” sabi pa ni Isko.

 

 

Kung nagawa raw ng Korea na suportahan ang kanilang entertainment industry para ito’y makilala at sumikat sa ibang bansa, kanya rin itong gawin ng mga Pilipino.

 

 

“We are not lacking in talent. Marami tayong mahuhusay na actors and actresses. Mahusay din ang ating mga craftsmen. Ang kailangan lan nila ay ample support sa gobyerno.”

 

 

Hinihikayat ni Isko ang mga Pilipino na panoorin ang kanyang bio-pic to serve as an inspiration sa mga tao.

 

 

     “Mahirap ang aking pinagdaanan sa buhay pero nagsumikap ako at nag-aral para maabot ang aking pangarap. Kaya din itong gawin ng kahit sino sa atin, basta maging masipag tayo. Libre lang naman ang mangarap pero samahan mo ng dasal at pagsisikap.”

 

 

Palabas na sa December 1 sa mga sinehan ang Yorme: The Isko Domagoso Story, mula sa direksiyon ni Joven Tan. Bida rito sina Raikko Mateo, McCoy de Leon at Xian Lim. Produced by Saranggola Media Productions and distributed by Viva Films.

 

 

Ito ang unang Pinoy film na ipalalabas sa mga sinehan ngayong pandemya.

 

 

***

 

 

SI Jessy Mendiola ang bagong female endorser ni Cathy Valencia Skin Clinic.

 

 

The contract signing was held last week sa sosyal na Manila House Private Club sa BGC.

 

 

Kasabay ng pagpirma ng kontrata ni Jessy ay ang birthday celebration na Ms. Cathy Valencia na dinaluhan ng mga celebrities. Naroon sina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Enzo Pineda, Ellise Joson, McCoy de Leon, James Yap, Ciara Sotto at maraming pang iba.

 

 

Sabi ni Ms. Cathy, natural na raw na maganda si Jessy at wala raw dapat ayusin sa itsura ng misis ni Luis Manzano. Kung sakali may concern daw si Jessy about her face or her body, ito raw ang bibigyan nila ng pansin.

 

 

Sabi naman ni Jessy, she wants to do something about her arms.

 

 

Sabi pa ni Ms. Cathy, unless it is really necessary to do any procedure, mas gusto niya na ma-enhance lang ang beauty ng isang client. Hindi niya nirerekomenda sa client to undergo a certain procedure.

 

 

Kaya for Jessy, mas gusto niya to enhance her natural beauty.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Nagbabala na ‘wag magpa-picture sa naka-costumes: YSABEL, nabudol sa Amerika ng ilang street performers

    NASA Los Angeles, California kasi si Ysabel para sa Manila International Film Festival.     At sa recent post in Ysabel sa kanyang Tiktok account ay inilahad niya ang pambibiktima sa kanya ng ilang street performers na naka-costume.     “Alam niyo ba, first day pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung […]

  • Nagpapasalamat sa kanyang ex-fiance: SHARON, nanghina ang tuhod nang malamang kay KIKO na pumanaw na si CHARLIE

    MATAGAL nang na-reveal na “it could have been” Charlie Cojuangco na sana ay naging mister ng Megastar na si Sharon Cuneta at hindi sana sina Gabby Concepcion at Senator Kiko Pangilinan.     At kinumpirma nga ito ni Sharon sa napakahaba niyang Instagram message para sa namayapang businessman/politician.     Si Kiko pa raw ang […]

  • NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.

    Tinukoy ang accomplishment report ng  Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang  working visit sa  Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon  sa ASEAN Summit sa Cambodia at  APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively […]