• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sa kanyang ex-fiance: SHARON, nanghina ang tuhod nang malamang kay KIKO na pumanaw na si CHARLIE

MATAGAL nang na-reveal na “it could have been” Charlie Cojuangco na sana ay naging mister ng Megastar na si Sharon Cuneta at hindi sana sina Gabby Concepcion at Senator Kiko Pangilinan.

 

 

At kinumpirma nga ito ni Sharon sa napakahaba niyang Instagram message para sa namayapang businessman/politician.

 

 

Si Kiko pa raw ang nag-inform sa kanya na namatay na nga ito last February 22 at talagang nanghina raw ang tuhod niya nang malaman niya.

 

 

Sabi ni Sharon, “I had never lost someone I was extremely close to and who was a big part of my life before, much less an ex-fiance, until yesterday.

 

 

“So sudden. So unexpected. Too young. It was Kiko who told me of your passing as we were in the car on my way to another campaign yesterday, and I thank God my dear husband understood and comforted me as my knees went weak and I suddenly became too quiet in my state of shock.”

 

 

May direct message rin siya kay Charlie at nagpasalamat dahil hindi man daw sila nauwi sa kasalan, naka-gain pa rin siya ng pamilya sa pamilya ng mga ito mula mga magulang hanggang sa mga kapatid.

 

 

Sey pa niya, “Though we didn’t make it together, I was so happy when you found Rio (Diaz) and my heart broke for you when you lost her. I found my Kiko and my own happiness too.       “I was happy for you when you remarried, and shocked when just a few weeks later, “THAT” happened (I have no business giving details here), and feel for your new wife.”

 

 

Alam daw niyang reunited na muli ito sa unang asawa na si Rio (kapatid ni Gloria Diaz) at ipapanalangin daw niya ang mga naulilang anak na sina Claudia at Jaime at ang bago nitong asawa na bigyan ng strength sa kanyang kalungkutan.

 

 

***

 

 

NAPA-THROWBACK si Matteo Guidicelli kasabay ng ikalawang taong anibersaryo nila ng misis na si Sarah Geronimo.

 

 

Sa YouTube channel nito ay nag-upload si Matteo ng video ng U.S. Tour ng concert ni Sarah noong 2013.  At that time, special guest ni Sarah si Matteo at siyempre, malamang na okay pa si Matteo sa parents ni Sarah, lalo na sa Mommy Divine nito dahil hindi pa naman sila ang “item” that time.

 

 

Sabi nga sa comment sa YouTube post na ito ni Matteo, “Crush mo lang siya that time, ngayon asawa mo na.”

 

 

Para bang sinasabi ni Matteo sa pagkaka-throwback niya na “ako ang nagwagi” dahil nauwi nga sila sa kasalan ng kanyang dating crush lang.

 

 

Sabi rin ni Matteo as caption to her video, “Taking it back to 2013 when I was a guest to Sarah’s concert. After nine years, here we are, now celebrating our 2nd anniversary as a married couple.

 

 

“Happy Memories!”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Guce babawi sa Symetra

    TIYAK na reresbak si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona.     Sumablay sa cut ang 30 taong-gulang, isinilang na Pinay na nakabase sa Estados Unidos at nasa ikaanim niyang taon sa Symetra, […]

  • Luzon grid isinailalim na sa red alert – NGCP

    ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa pagpalya ng kuryente sa Luzon.     Dahil dito kaya pinasisilip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) ang dahilan ng pagpalya ng power generation plants.     Inamin naman ng DOE na wala silang nakikitang problema sa […]

  • PBBM, nagpaabot ng pakikidalamhati sa Morocco

    NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos para sa Morocco na matinding tinamaan ng 6.8-magnitude na lindol.     “The Filipino people are deeply saddened to learn of the devastating 6.8-magnitude earthquake that has tragically claimed over 2,000 lives in Morocco,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.     “We stand in […]