• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Floating employee’ maaring maghanap ng alternatibong trabaho – DOLE

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.”

 

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa “floating status.”

 

Ang DO na pinirmahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 23 ay naglalaman ng pagpapalawak ng “floating status” sa mga manggagawa sa loob ng anim na buwan.

 

Nilinaw din ni Benavidez na maaari namang kwestiyunin ng mga labor group ang legalidad ng DO.

 

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga employer na tulungang magproseso sa kaniyang mga contribution ang manggagawa na magkasakit at bigyan din ito ng tulong pinansyal.

Other News
  • GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan

    WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus.     Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot […]

  • Pres. Duterte sa mga kapulisan at militar: ‘Ituloy lang ang laban vs droga’

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapulisan at militar na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga.     Sa kanyang public briefing nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na nababahala siya sa patuloy na pamamayagpag ng iligal na droga kahit patuloy ang paglaban ng gobyerno.     Kahit na makailang beses na […]

  • Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30

    Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay.   Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay […]