Malakanyang, todo-depensa sa desisyon ng IATF na manatili ang NCR at iba pang lugar sa alert level 2 status
- Published on December 3, 2021
- by @peoplesbalita
TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panatilihin ang Kalakhang Maynila at karamihan sa lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 status.
“Right now, hindi pa tayo handa na mag-declare ng any Alert Level 1 sa ngayon, ” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Aniya, isinasapinal ng IATF-EID ang parametro sa posibilidad na i- deescalate ang Metro Manila sa pinaka-mababang Alert Level 1 sa pamamagitan ng pag-assess sa average daily attack rate (ADAR) at health care utilization rate.
Gayunman, sinabi ni Nograles na kailangan pa rin na maging handa ang mga lokal na opisyal na magdeklara ng granular o localized lockdowns sa oras na tumaas ang Covid-19 cases sa isang partikular na lugar.
“Lahat ng mga LGUs (local government units), local chief executives lalo na mga mayors, mga governors, dapat nakahanda sila mag granular at localized lockdown kung kinakailangan. Reminder lamang, that’s part of Door No. 4 sa ating Four-Door strategy para mabantayan na hindi makapasok yung Omicron at iba pang mga variants of concern dito sa ating bansa,” ani Nograles.
“The Four-Door Policy covers border control, active surveillance including test and trace, early isolation and treatment of all those who tested positive, and the vaccination program,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Ang Omicron variant, na unang natuklasan sa Botswana, Southern Africa, ay idineklara bilang variant “of concern” ng World Health Organization.
Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat ang Pilipinas ng kaso ng Omicron variant of Covid-19 subalit kaagad namang nagpatupad ng travel restrictions sa 14 na bansa na mayroong “high risk of infection.” (Daris Jose)
-
VP Sara: Panukala ng ACT na mag-hire ng 30K guro, imposible
TINAWAG na ‘imposible’ at ‘hindi reyalistiko’ ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang pagha-hire ng 30,000 public school teachers, gayundin ang budget na P100 bilyon kada taon. Ang pahayag ay ginawa ni Duterte kasunod ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na mag-hire ng 30,000 […]
-
May pakiusap na tigilan na ang pagko-comment sa dalawang luxury brands: SHARON, pinuri ng mga netizens sa simpleng cellphone na regalo kay MIGUEL
PINUPURI ng mga netizens at followers si Megastar Sharon Cuneta sa Instagram niya post tungkol sa kanyang son na si Miguel na turning 13 na pala this week. Makikita nga ang larawan ni Miguel, na ang ganda ng ngiti habang hawak-hawak ang bagong cellphone niya. Caption ni Sharon, “Someone is turning […]
-
Blancada pangarap ang mag-Olympics surfing
AANGKLAHAN ni 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s surfing longboard gold medal winner Nilbie Blancada ang anim-katao pambansang koponan ng Pilipinas na papalaot sa 2021 Surf City El Salvador World Surfing Games sa Mayo- 29-Hunyo 6 sa La Bocana at El Sunzal, El Salvador. Isinilang sa Barangay Catangnan, Gen. Luna, Surigao del Norte […]